LeBron at Davis muling dinomina ang 16th win ng Lakers vs Hawks, 107-99
- Published on February 3, 2021
- by @peoplesbalita
Muli na namang nagsama ng puwersa sina LeBron James at Anthony Davis upang tulungan ang Los Angeles Lakers na iposte ang kanilang ika-16 na panalo laban sa Atlanta Hawks, 107-99.
Nagtala si Davis ng 25 points, habang si LeBron naman ay nagpasok ng 21 points, liban pa sa kanyang all around game.
Sa Hawks (10-10) si Trae Young ang nanguna na may 25 points at 16 assists.
Samantala habang nasa kainitan ang rally ng Lakers sa homecourt ng Atlanta Hawks sa State Farm Arena, dalawang mga babae naman ang todo ang kantiyaw kay LeBron dahilan para mapatigil ng ilang sandali ang laro.
Nagtanggal pa ng face mask ang dalawang fans, hanggang sa palayasin ang mga ito sa courtside.
Para naman kay James hindi na ito “big deal” sa kanya at hindi na sana pinalabas ang mga fans.
Umaabot sa 1,341 ang limitadong mga fans na pinayagang pumasok sa arena pero ang mga ito ay sumunod sa protocols na social distancing.
Dahil naman sa panibagong panalo na-extend ng Lakers ang 31 straight victories kung mababa sa 100 points ang score ng kalaban.
Nagawa ring maipanalo ng Los Angeles ang walo sa huling siyam na last nine meetings kontra sa Hawks.
-
ENRIQUE, nagpapasalamat sa co-stars dahil game at walang kaarte-arte
AFTER na mag-comedy ni Enrique Gil sa “I Am Not Big Bird,” na isa rin sa siya sa producer, may follow up agad siya, ito yun “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital,” ang first meta found-footage horror movie at masuwerteng napasama sa ten official entry sa 50th Metro Manila Film Festival, na magsisimula na sa Araw […]
-
Mambabatas pabor sa pagsasampa ng kasong death threats at inciting to sedition kay VP Sara
“DAPAT naman talagang mapanagot si VP Sara sa ginawa niyang pagbabanta at sana ay hindi matulad sa parehong kaso na sinampa ko sa kanyang ama.” Pahayag ito ni House Deputy Minority Leader France Castro kasunod sa naging rekomendasyon ng National Bureau of Investigation na maghain ng kaso laban kay VP Sara Duterte. Kabilang na dito ang […]
-
Ads June 5, 2024