• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cool Smashers balik-ensayo agad para sa Asean Grand Prix

BALIK-ENSAYO  agad ang Creamline Cool Smashers para paghandaan ang sunod na pagsabak nito sa Asean Grand Prix na gaganapin sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Setyembre 9 hanggang 11.

 

 

Galing ang Cool Smashers sa dalawang magkasunod na torneo.

 

 

Una na ang Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference na pinagreynahan ng Cool Smashers.

 

 

Sunod ang Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women na ginanap sa Philsports Arena sa Pasig City kung saan gumawa ng kasaysayan ang Creamline matapos makuha ang ikaanim na puwesto.

 

 

Muling bibitbitin ng Cool Smashers ang bandila ng Pilipinas dahil sasabak ito sa Asean Grand Prix na lalahukan ng powerhouse Thailand, Vietnam at Indonesia.

 

 

“Very proud talaga ko sa teammates ko kasi hindi talaga biro yung pinagdaanan namin na tuluy-tuloy yung mga laro namin sa PVL, binuhos talaga lahat namin don, and then late notice nga namin nalaman na we were going to step up for the Philippines in the AVC,” ani playmaker Jia Morado.

 

 

Makukumpleto ang buong Cool Smashers patungong Thailand.

 

 

Makakasama na ng tropa si team captain Alyssa Valdez na tinamaan ng dengue na dahilan para hindi ito makalaro sa AVC Cup.

Other News
  • Asa Miller nabigo sa unang event na kanyang nilahukan

    HINDI nagtagumpay sa giant slalom event ng 2022 Beijing Winter Olympics ang nag-iisang pambato ng bansa na si Asa Miller.     Sa loob lamang kasi ng 21 segundo ng laro ay bigla na lamang bumagsak sa kumpetisyon ang 21-anyos na Filipino-American player sa first run nito.     Dahil dito ay hindi siya nakapasok […]

  • Tauhan ng Sayaff, tiklo sa Kyusi

    ARESTADO ang isang sinasabing miyembro ng Abu Sayyaf Group sa isinagawang pagsalakay ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District at Criminal Investigation and Detection Group sa lungsod, kahapon (Miyerkoles) ng umaga.   Kinilala ang suspek na si Adzman Tanjal, 32, may asawa, tubong Sabah, Malaysia at nakatira sa Libyan St., Salaam Compound, Barangay […]

  • DOLE tiniyak tulong sa PWDs na nawalan ng trabaho

    Nakahanda ang labor department na tulungan na muling makabangon ang mga persons with disabilities (PWDs) na nawalan ng trabaho dulot ng pandemyang Covid-19.     Ganito ang kaso ng 20 PWDs sa General Santos City na nakatanggap ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) rice retailing starter kits na nagkakahalaga ng P400,867 mula sa General Santos […]