• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tauhan ng Sayaff, tiklo sa Kyusi

ARESTADO ang isang sinasabing miyembro ng Abu Sayyaf Group sa isinagawang pagsalakay ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District at Criminal Investigation and Detection Group sa lungsod, kahapon (Miyerkoles) ng umaga.

 

Kinilala ang suspek na si Adzman Tanjal, 32, may asawa, tubong Sabah, Malaysia at nakatira sa Libyan St., Salaam Compound, Barangay Culiat.

 

Nadakip sila dakong alas-9:30 ng umaga, Pebrero 19 sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte laban sa kanya.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang MK-2 fragmentation hand grenade, isang Colt Mark IV caliber .45 pistol, isang magazine na puno ng bala at live ammunition.

 

Nabatid na isang pulis na kinilalang si P/Sgt. Lou Francis Burawes ang nasugatan sa pagsalakay makaraang tamaan ng bala ng M-16 armalite rifle sa kaliwang paa nang aksidenteng makalabit nito ang gatilyo ng nasabing baril. Agad namang isinugod sa pagamutan ang nasabing pulis kung saan siya nagpapagaling sa ngayon.

Other News
  • Catch the ‘Kilig’ Moments of the New Love Team of Paulo Avelino and Janine Gutierrez in ‘Ngayon Kaya’

    FOLLOWING the beloved cinema tradition of onscreen pairings, a new love team is born in the tandem of Paulo Avelino and Janine Gutierrez who are starring in their first film together entitled Ngayon Kaya.     In this movie directed by Prime Cruz and written by Jen Chuaunsu (the creative duo behind romantic masterpieces Isa […]

  • Rockets sabog sa Lakers

    Pinabagsak ng Los Angeles Lakers sa  pangunguna ng super tandem nina LeBron James at Anthony Davis ang nanghihinang Houston Rockets, 110-100, sa Game 4 ng kanilang NBA playoffs best-of-seven semifinals series na ginaganap sa bubble sa pasilidad ng Walt Disney sa Orlando, Florida. Hindi na pinaporma ng Lakers ang Rockets simula 1st quarter hanggang 4th […]

  • Presyo ng petrolyo, muling tumaas

    May panibagong dagdag presyo ang mga produktong petrolyo na ipatutupad ngayong Martes ng mga kompanya ng langis sa bansa.     Unang magpapatupad ng dagdag na P1.20 sa kada litro ng gasolina, P0.95 sa diesel at P1.00 sa kerosene ang Chevron Corporation sa pagdating ng alas-12:01 ng madaling araw.     Susundan ito simula alas-6:00 […]