• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos nangako ng pantay na sahod sa government, private nurses

NANGAKO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkakaroon ng pantay na sahod ang mga nurse sa pampubliko at pribadong ospital.

 

 

“As part of our goal to raise the profile and improve the working condition of nurses, we seek to address the disparity in salaries between nurses in government hospitals with those in the private sector,” pahayag ng Pangulo sa 65th Nurses Week at 100th anniversary celebration ng Philippine Nurses Association (PNA) na ginanap sa Manila Hotel.

 

 

Nabatid na ang mga nurse sa gobyerno ay kumikita ng P30,000 hanggang P40,000 kada buwan habang P8,000 hanggang P20,000 lang umano ang sahod ng mga nurse sa private.

 

 

Kinilala rin ng Pangulo ang naging ambag ng mga Pinoy nurse na pinaganda ang pangalan ng Pilipinas sa buong mundo dahil sa kanilang serbisyo at pag-asikaso sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID noong panahon ng pandemya.

 

 

Muling binanggit ni Marcos na noong tinamaan siya ng COVID-19 noong 2020 ay gumaling siya at iba pang pasyente na dinapuan din ng virus dahil sa mahusay na pangangalaga ng mga nurse.

 

 

Bukas din ang Pangulo na dagdagan ang quota sa deployment ng mga Pinoy nurses na nais magtrabaho sa ibang bansa.

 

 

Sa ngayon ay 7,500 ang limitasyon sa bilang ng Pilipino nurses na maaaring lumabas ng bansa kada taon upang doon magtrabaho.

 

 

Aminado si Marcos na kulang pa ang P25.82 bilyon halaga ng benefits na ibinigay ng gobyerno sa mga nurses.

 

 

Dapat aniya ay isama sa kasalukuyang benepisyo ang hazard duty pay, COVID-19 sickness at death compensation, meals, accommodation at transportation allowances, life insurance, Special Risk Allowance (SRA) at COVID-19 allowance. (Daris Jose)

Other News
  • Hindi pa rin interesado na tumakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022

    “I am still not interested.”   ito ang naging pahayag ni Senador Bong Go matapos tanggapin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pag-endorso sa kanya ng ruling party PDP-Laban na tumakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022.   Sa isang video message, sinabi ni Go na nakatutok siya sa kanyang tungkulin bilang senador upang tulungan ang […]

  • “Chikiting Ligtas sa Dagdag Bakuna Kontra Polio, Rubella, at Tigdas!” Inilunsad sa Valenzuela

    “Chikiting Ligtas sa Dagdag Bakuna Kontra Polio, Rubella, at Tigdas!” Inilunsad sa Valenzuela BILANG bahagi ng misyon ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na magbigay ng malusog na pangangatawan at pamumuhay ang mga Pamilyang Valenzuelano, inilunsad nito sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, ng City Health Office, at ng Barangay Canumay West ang kampanyang “Chikiting Ligtas […]

  • 4 pang siyudad target ng PBA

    Puntirya ng pba na dalhin ang liga sa iba’t ibang siyudad sa loob ng National Capital Region (NCR) gayundin sa ilang kalapit na probinsiya.     Sa Pasig City ang magsisilbing venue ng opening games ng PBA Season 46 Governors’ Cup ngunit plano ng PBA management na dayuhin ang apat pang cities.     Kinakausap […]