• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OVP, dinepensahan ang confidential expenses, good governance fund

DINEPENSAHAN ng Office of the Vice-President (OVP) ang  confidential expenses at good governance funds sa ilalim ng 2023 budget proposal.

 

 

Sinabi ni Office of the Vice President (OVP) spokesperson Reynold Munsayac  na ang  P2.2-billion good governance fund ay inilaan para sa public assistance, gaya ng basic social services, medical at burial assistance,  “Libreng Sakay” project, at livelihood programs.

 

 

Habang ang  P500-million “confidential expenses” ay gagamitin naman sa  mga programang may kinalaman sa  peace and order, at national security.

 

 

“The confidential fund was requested and will be utilized using the parameters set by the DBM (Department of Budget and Management) and the COA (Commission on Audit) in their joint circular,” ayon kay Munsayac.

 

 

“The position and mandate of the Vice President allows her to utilize those kinds of funds regarding peace and order and national security, especially [since] we have livelihood projects that will be implemented in conflict areas,” dagdag na pahayag nito.

 

 

At nang hingan ng komento sa usapin na mas  mataas ang budget na hiningi ni Duterte kumpara sa budget ni dating  Vice President Leni Robredo, sinabi ni Munsayac na may sariling “priority projects” ang bawat ahensiya ng pamahalaan.

 

 

“Bawat po head of agency, executive man yan o kung anong ahensya hawak niya, mayroon po silang priority projects at kami po, ang request namin na budget, iyan iyong sa tingin namin kailangan namin para i-implement namin iyong mga priority projects namin,” anito.

 

 

“Siguro iyong nakaraang administrasyon, mayroon silang certain projects at iyong budget nila ay sufficient na para doon,” ayon pa rin kay Munsayac.

 

 

Tiniyak ni Munsayac  na magiging  transparent  ang OVP sa paghawak ng pondo.  (Daris Jose)

Other News
  • MUSIC SUPERSTAR SHAWN MENDES LENDS VOICE TO “LYLE, LYLE, CROCODILE”

    SHAWN Mendes, superstar recording artist and Grammy-nominated singer/songwriter, brings Lyle, the singing crocodile to vocal life, in Columbia Pictures’ new musical comedy Lyle, Lyle, Crocodile (in Philippine cinemas October 12).   [Watch the vignette “Voicing Lyle” at https://youtu.be/LqBRYKKPQjA]   Based on the best-selling book series by Bernard Waber, Lyle, Lyle, Crocodile is a live-action / […]

  • Kaso ng COVID-19 sa NFL, nadoble

    DUMOBLE ang bilang ng kaso nang nagpositibo sa COVID-19 sa National Football League (NFL) nitong nakaraang linggo base sa inilabas na datos ng liga at NFL Players Association.   Base sa ginawang testing nitong Nov. 1-7, lumabas sa resulta na may 56 na bagong kaso: 15 ang nagpositibo sa mga manlalaro at 41 kumpirmadong kaso […]

  • Latest vlog ni BEA na kasama si DOMINIC na ‘Not My Hands Challenge’, kinakiligan nang husto ng netizens

    PATOK na patok sa netizens ang latest vlog ni Bea Alonzo na pinost niya sa last Saturday na kung saan nakasama niya uli ang kanyang honey pie na si Dominic Roque.     Caption ni Bea, HELLO SATURDAY!     “I’m dropping another vlog tonight, with my boo! We played the “NOT MY HANDS CHALLENGE”. […]