• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No garage, no car’ sa Metro Manila, 9 probinsya, isinulong

ISINUSULONG  ni Senate Majority Leader Joel ­Villanueva ang pag-obliga sa mga may-ari ng sasakyan na magpakita ng pruweba na mayroon silang garahe bago sila makapagparehistro ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO).

 

 

Ayon kay Villanueva, ito ay para matigil ang pag-park ng mga sasakyan sa gilid ng kalsada na nagdudulot ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.

 

 

Sa Senate Bill 925 o “No garage, no car” bill, paiiralin ito sa Metro Manila at mga siyudad na Angeles, Baguio, Bacolod, Batangas, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo at Olongapo.

 

 

Sa mga nasabing lugar, pagbabawalan ng LTO na irehistro ang sasakyan na walang pruweba na may garahe o parking.

 

 

Kapag inirehistro ang sasakyan ng walang parking ay papatawan ng tatlong buwan na suspension at walang suweldo ang sinumang kawani o opisyal ng LTO.

 

 

Habang ang motorista na magsisinungaling sa LTO na may parking space ay pagmumultahin ng P50,000 sa bawat paglabag at sususpindihin ang lisensya ng tatlong taon gayundin ang rehistrasyon ng bawat sasakyan.

 

 

Paliwanag ng majority leader, sinabi ng Japan International Coordination Agency (JICA) na nasa P3.5 milyon ang nawawalang oportunidad kada araw sa Metro Manila noong 2017 dahil sa traffic at aabot ito sa P5.4 bilyon kapag hindi inaksyunan. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Unemployment bumaba noong Marso – PSA

    BAHAGYANG  bumaba ang unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.     Sa pinakahuling labor force participation survey ng Philippine Statistics Office (PSA), naitala sa 4.7% ang unemployment rate nitong Marso, mas mababa sa 4.8% noong Pebrero ng 2023 at 5.8% na naitala ng kaparehong buwan noong 2022.     Ayon […]

  • Ibinida rin ang first piano recital ni Zia: DINGDONG, pinasalamatan si MARIAN at tinawag na ‘incredible woman’

    KAPURI-PURI talaga ang mga ginagawa ni Marian Rivera, lalo na pagdating sa kanilang pamilya, kaya naman tinawag ni Dingdong Dantes ang kanyang misis na isang ‘incredible woman’.     Sa Instagram post ng Kapuso Primetime King noong May 1, ibinahagi niya ang mga larawan ng asawa na kung saan nagpa-pack ito ng mga goodies para […]

  • Turista kailangang magpakita ng negative COVID-19 test results

    Kailangan muling magpakita ng negatibong COVID-19 test results ng mga turista bago makapasok sa destinasyong probinsya dahil sa hindi pa nakapagpapalabas ng pinal na polisiya ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ukol sa mga ‘fully-vaccinated’ na.     Kabaligtaran ito ng unang inihayag ng pamahalaan na kailangan na lamang ipakita ang ‘vaccination […]