• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First time gumawa ang Superstar ng anti-hero role: ‘Kontrabida’ ni NORA, nakatakdang mag-compete sa isang prestigious film festival

ANG ganda naman ng balita na ang movie ni Superstar Nora Aunor titled ‘Kontrabida’ ay in competition this November sa isang prestigious film festival.

 

 

Hindi pa raw pwedeng i-reveal kung saan festival nakatakdang mag-compete ang ‘Kontrabida’ pero ngayon pa lang ay marami na ang excited dahil muling matatampok ang husay ni Ate Guy sa international scene.

 

 

Directed by Adolf Alix, Jr., kakaibang project for Ate Guy ito dahil first time niyang gumawa ng anti-hero role.

 

 

Produced by Joed Serrano, matagal na rin naman tapos ang pelikula pero naghihintay pa raw ang production ng magandang playdate kaya hindi pa ito ipinapalabas.

 

 

Kaya magandang balita na napili ang ‘Kontrabida’ para mag-compete sa isang festival. Kung mananalo ang movie ay magandang come on ito para ma-curious na mga tao na panoorin ito.

 

 

Kabilang sa movies ni Ate Guy na nag-compete abroad ay ‘The Flor Contemplacion Story’ for which she won Best Actress sa Cairo International Film Festival at ‘Thy Womb’ kung saan umani rin siya ng parangal hindi lang locally kundi internationally.

 

 

Matagal na rin naman since a movie of Ate Guy competed in an international film festival kaya nakaka-excite ang balitang ito.

 

***

 

MARAMI ang nagulat nang ianunsiyo ng Cannes Best Actress awardee na si Ms. Jaclyn Jose ang kanyang retirement.

 

 

“Masakit pero I have to go,” pahayag ng aktres sa kanyang post in her Instagram account.

 

 

May kinalaman ang kanyang mga anak na sina Andi Eigenmann at Gwen Garimond Ilagan Guch sa kanyang desisyon to retire

 

 

Kung desidido na si Jaclyn na talikuran ang showbiz, ang ‘Bolera’ na ang magiging huling serye niya sa TV.

 

 

Tiyak na mami-miss ng kanyang mga fans ang mahusay na aktres, ang una artistang Pinoy na nagwagi sa Cannes.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • LeBron James nasa billionaires list na ng Forbes

    KINILALA ng Forbes magazine si Los Angeles Lakers star LeBron James bilang kauna-unahang active NBA player na bilyonaryo.     Ayon Forbes na mayroon ng mahigit $1-bilyon ang net worth ni James matapos na kumita ng mahigit $121-M noong 2021.     Base sa pagtaya ng Forbes na mayroong $385-M na kita si James sa […]

  • Mahigpit na seguridad ipapatupad ng PNP sa filing ng COC

    Asahan ang mahigpit na seguridad sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) simula unang araw Oktubre 1 hanggang Oktubre 8.     Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, mas maraming pulis at augmentation units kabilang na ang intelligence personnel ang naka-deploy upang mapigilan ang anumang banta.     Ilan sa critical scenarios na […]

  • Nang tinawag na ‘next John Lloyd Cruz’: JOSHUA, honored at inaming nakatulong sa pagiging aktor

    WALANG ibang maaaring mag-claim na siya ang “next John Lloyd Cruz” kundi si Joshua Garcia.     At ano kaya ang reaksyon ng “Unbreak My Heart” actor tungkol dito?     “Sobrang flattering, parang gusto ko lang na maglaho na parang bula,” sabi ni Joshua sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.     […]