DepEd nilinaw na hindi pa epektibo ang bagong panuntunan kaugnay sa pagsuspinde ng klase
- Published on September 5, 2022
- by @peoplesbalita
NILINAW ng Department of Education (DepEd) na hindi pa epektibo ang panibagong panuntunan na inilabas kaugnay sa pagsuspinde ng klase sa oras ng kalamidad at sakuna.
Ginawa ng kagawaran ang paglilinaw matapos nilang isapubliko ang DepEd Order 37 na pirmado ni Vice President at Education secretary Sara Duterte-Carpio.
Ayon pa sa DepEd, hindi pa naihahain sa Office of the National Administrative Register sa UP Law Center ang kautusan kung kaya ay hindi pa ito mai-aapply.
Kailangan din ng personal na pirma ang kautusan dahil tanging electronic signature ang mayroon ito nang ilabas sa DepEd website.
Matatandaang kahapon, ilang paaralan ang nagsuspinde ng klase sa Metro Manila bilang pagsunod sa bagong kautusang inilabas ng DepEd. (Daris Jose)
-
Mas maraming LTO enforcers ikakalat vs kolorum na PUVs
MAGKAKALAT ang mas maraming traffic enforcers ang Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila, bukod pa sa may 50,000 deputized traffic personnel sa buong bansa sa darating na Pebrero 1 kung saan maraming mga pampasaherong sasakyan na ang ituturing na kolorum. Ito ang inihayag ni LTO Chief Vigor Mendoza na batay rin umano […]
-
Mag-asawa kulong sa P4M shabu sa Caloocan
BAGSAK sa kulungan ang isang mag-asawa na tulak umano ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong mga suspek na sina Leo Gonzales alyas “Netoy”, 50 at Adela […]
-
Vanessa Bryant naging madamdamin ang pagbati sa ika-43 kaarawan ng asawang si Kobe
Puno pa rin ng pagmamahal ang pagbati ni Vanessa Bryant sa ika-43 kaarawan ng pumanaw na NBA star na si Kobe. Sa kaniyang social media ay nag-post ang maybahay ng Los Angeles Lakers star ng larawan nilang dalawa at may mensaheng mahal niya ng buong buhay. Bukod kay Vanessa ay bumuhos […]