• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No to peace talks, ubusin lahat ng CPP-NPA members sa bansa

ITO ANG pahayag ni Duterte Youth Party-List Rep. Drixie Mae Cardema kasabay ng kanyang paghahain ng panukalang batas 4324 o Act to Outlaw the Communist Party of the Philippines, New People’s Army, & National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) AND ALL ORGANIZATIONS supporting them in their Recruitment, Operations, Financial Transactions, and For Other Purposes.

 

 

Nakapaloob pa sa panukala na idelara ang CPP-NPA-NDF na bilang isang “organized conspiracy” para patalsikin ang gobyerno kaya dapat itong ideklara rin na illegal at ipagbawal .

 

 

Gayundin, sinabi pa ng mambabatas na hindi rin dapat makipag-usap ang gobyerno dahil sa pagiging terorista umano ng mga ito.

 

 

“No to Peace Talks with the CPP-NPA-NDF. They are a terrorist alliance and they recruit the Filipino Youth to become rebels against the Philippine Government. They are using different front organization to recruit our youth, we must catch these front organizations,” dagdag ni Cardema.

 

 

Sinabi pa ng mambabatas na dapat din hulihin at kasuhan ang mga nagbibigay pondo o nagbabayad ng buwis at “permits to campaign” sa kanila.

 

 

Umaasa ito na maibabalik ang Anti-Subversion Law na pinaniniwalaan niyang bubuwag sa CPP-NPA-NDF at sa lahat ng kanilang front organizations.

 

 

Kaugnay nito, sinabi naman ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na sa pagtutulak na “ubusin lahat ng CPP-NPA”, ay isinusulong umano ng Duterte Youth, na siya umanong Philippine version ng Hitler Youth, ang pagkakaroon ng karahasan at pagpaslang sa libong inosenteng pinoy kabilang na ang mga community leaders, celebrities, athletes, government officials, organizations, businesses, churches at institutions na naging biktima umano ng redtagging. (Ara Romero)

Other News
  • Marami ang mapapaluha sa documentary na tungkol sa ina at sa anak… MARIAN, inamin na ayaw gawin ang Mother’s Day special na dinirek ni DINGDONG

    KUNG matagal-tagal din na hindi napanood ang mga Kapuso Primetime King at Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa telebisyon, aba ngayon naman, parang bumabawi ang mga ito.     Si Dingdong ay halos araw-araw napapanood sa GMA-7 dahil sa kanyang “Family Feud,” “Amazing Earth.”  Si Marian sa kanyang “Tadhana.”  Pero simula ngayong Sabado, May […]

  • Para sa mga aspiring singers: NINA, nag-advice na alagaan ang talent at ‘wag lumaki ang ulo

    MAY advice o tips ang Diamond Soul Siren na si Nina sa mga baguhan o aspiring singers para tumagal sa industriya.     “Alagaan ang boses, alagaan ang talent, and huwag lumaki ang ulo.     “Kasi yun ang pinaka-first and foremost e, kasi automatic na parang feeling mo pag famous ka na, ang dami […]

  • Eala napasakamay ang unang korona sa professional tennis

    BUMUWELTA sa makupad na umpisa si Alexandra ‘Alex’ Eala upang tagpasin si Yvone Cavalle-Reimers, 5-7, 6-1, 6-2, at sorpresang kopoin ang korona ng International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor Tournament sa Spain nitong Linggo ng gabi.     Ang pananalasa ng 15-anyos na Pinay tennis sensation ang nagkaloob sa kanya ng unang professional career title […]