• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 binitbit sa P68K shabu, baril sa Valenzuela

KALABOSO ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng baril at P68K halaga ng shabu nang maaresto sa buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni PLt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang mga naarestong suspek bilang sina Jonathan Awud alyas “Tutan”, 34, Ronie Diaz alyas “Nuno”, 34, at Richard Rivera, 24, pawang residente ng Brgy., Mapulang Lupa.

 

 

Sa report ni PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PEMS Restie Mables ng buy bust operation sa 6356 CF Natividad St. Brgy. Mapulang Lupa kung saan nagawang makipagtransaksyon ni PCpl Noriel Boco na umakto bilang poseur-buyer ng P500 halaga ng droga kay Awud at Diaz.

 

 

Matapos tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad lumapit ang back up na mga operatiba saka inaresto nila ang mga suspek subalit, pumalag si Awud at tinangkang tumakas.

 

 

Hinabol siya ng mga operatiba hanggang sa makorner at maaresto habang dinakip din si Rivera matapos makuhanan ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000.00, buy bust money, cellphone, P300 recovered money, isang cal. 38 revolver na may dalawang bala, belt bag at coin purse.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagang kasong paglabag sa RA 10591 at Art 151 of RPC ang kakaharapin ni Awud. (Richard Mesa)

Other News
  • 2 patay sa anti-drug operations sa QC

    PATAY ang dalawang drug suspek matapos na manlaban sa mga kapulisan Quezon City kamakalawa ng madaling araw.   Kinilala ang mga suspek na sina Allan Canlas at Asnawi Batuas ng Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City. Sinabi ni Pol. Lt. Col. Hector Amancia ng Novaliches Police, nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya […]

  • PhilHealth contribution, tataas sa Hunyo 2022

    TATAAS na sa darating na buwan ng Hunyo ang kontribusyon sa PhilHealth.     Ayon sa Philhealth, mula sa kasalukuyang 3% ay tataas na sa 4% ang sisingiling kontribusyon sa mga miyembro na kumikita ng P10,000 hanggang P80,000 kada buwan.     Alinsunod ito sa Universal Health Care Law.     Sinasabing, sa susunod na […]

  • “Ipagpatuloy natin ang pamana ng Kongreso ng Malolos—isang pamana ng tapang, pagkakaisa, at hindi matitinag na pangako sa kinabukasan ng ating minamahal na bayan” – Fernando

      LUNGSOD NG MALOLOS – “Ang pamana ng Bulacan ay nagpapaalala na ang isang malakas na bayan ay itinayo sa mga haligi ng kalayaan, katarungan, at soberanya—mga pagpapahalagang dapat nating ipaglaban at ipagpatuloy. Nawa’y magsilbing paalala ang pagdiriwang na ito na, habang ipinagpapatuloy natin ang laban para sa ating soberanya at patuloy naitaguyod ang responsableng […]