• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Caregivers Welfare Act” pasado na

Pasado na sa pinal na pagbasa ang mga panukala na nagsusulong ng kapakanan ng mga caregiver at pagpapalawig sa proteksyon ng mga kababaihan laban sa diskriminasyon.

 

Layon ng House Bill 135 o ang “Caregivers Welfare Act” na gawing polisiya ang proteksyon sa mga caregivers, sa kanilang pagganap sa kanilang mga tungkulin.

 

Batay sa panukala, mandato ng Kalihim ng Labor and Employment na tiyakin ang proteksyon ng mga caregivers na inarkila sa pamamagitan ng mga pribadong ahensiya ng paggawa.

 

Ang mga ahensiyang ito ang mananagot sa mga employer ng lahat ng sahod, mga benepisyo sa sahod at iba pang mga benepisyo na karapat-dapat lamang sa caregiver.

 

Kaugnay nito, ipinasa rin sa pinal na pagbasa ang HB 7722 na naglalayong palawigin ang Presidential Decree 442 o ang “Labor Code of the Philippines” na nagbabawal sa pagtanggi sa sinumang babae ng mga benepisyo sa trabaho at iba pang mga benepisyo sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas dahil lamang sa kanyang kasarian.

 

Aprubado rin sa pinal na pagbasa ang mga panukalang: HB 7112 na tumutukoy sa paggamit ng chlorine bilang nakakalasong sangkap sa lahat ng aktibidad ng pangingisda; HB 7596, na naglalatag ng mga mekanismo upang matiyak ang epektibong implementasyon ng RA 10176 o ang “Arbor Day Act”; HB 7647, na nagdedeklara sa ika-7 ng Abril kada taon bilang Barangay Health Workers Day o BHW Day; at HB 7701, na nagdedeklara sa ika-31 ng Oktubre bawat taon bilang National Savings and Financial Literacy Day.

 

Gayundin ang substitute bill na naglalayong atasan ang mga kompanya ng kuryente at telekomunikasyon sa wastong pagkakabit at pagmamantine ng mga kawad ng kuryente, at mga kable ng telekomunikasyon para sa kaligtasan ng publiko at kaayusan.

 

Sinabi ni Baguio City Rep. Mark Go, pangunahing may akda ng panukala, na ang mga nakalawit, nakalundo at mabababang kawad ng kuryente, kasama na ang mga nakatagilid na poste ay nagkalat sa mga lansangan sa buong bansa at nakakasira ng tanawin sa mga komunidad at kalunsuran.

 

Ayon sa mambabatas, marami nang ulat ng mga aksidente na naging sanhi ng kamatayan dahil sa mga nakalawit na kawad at kable.

 

Aniya, dapat lamang na mapanagot ang mga kompanya ng mga pampublikong utilities sa kanilang kapabayaan, hindi lamang sa mga lugar ng kanilang operasyon, kungdi pati na rin ang kalidad ng kanilang serbisyo at kung papaano nila ito isinasagawa.

 

Ang substitute bill ay mula sa mga House Bills 515, 646, at 4222 na iniakda rin nina Bataan Rep. Geraldine Roman at Parañaque City Rep. Joy Myra Tambunting.

 

Samantala, matapos ang pinagsanib na pagpupulong ng dalawang Komite ay ipinagpatuloy ng Komite ng Enerhiya ang kanilang regular na pagpupulong at inaprubahan ang substitute bill sa HB 7060 na naglalayong isulong ang paggamit ng sistema ng microgrid upang pabilisin ang malawakang elektripikasyon hanggang sa mga lugar na kulang o wala pang kuryente sa buong bansa. (Ara Romero)

Other News
  • Labi ni John Matthew na nasawi sa hazing, dumating na sa Zamboanga

    DUMATING  na sa Zamboanga ang mga labi ni John Matthew Salilig na estudyanteng natagpuang wala ng buhay sa bakanteng lote ng Cavite matapos itong makaranas ng walang habas na hazing mula sa isang fraternity.     Mula sa isang funeraria sa Dasmarinas, Cavite, dinala ang kanyang labi sa Villamor Airbase sa Pasay City upang ilipat […]

  • MMDA handa sa bantang 2-linggong welga ng PISTON

    NAGDEKLARA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa sila sa balak na magkaron ng 2-linggong welga na gagawin ng mga grupo ng progresibong sektor ng transportasyon.     Ayon sa balita na ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operaytor Nationwide (PISTON) at Manibele ay muling maglulungsad ng welga upang iprotesta ang plano ng […]

  • DOE, tiniyak na walang problema sa suplay ng langis sa Pinas

    TINIYAK ng Department of Energy sa publiko na mayroong sapat na suplay ng langis ang Pilipinas.     Sa isinagawang pagdinig ng Fuel Crisis Ad Hoc Committee sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, sinabi ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza na ang problema sa krisis sa langis ay bunsod ng tumataas na presyo.     Dahil dito, […]