• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto magpapalakas pa!

AMINADO si Gilas Pilipinas standout Kai Sotto na kailangan pa nitong magpalakas upang mas maging matagumpay sa mga susunod na laban na haharapin nito.

 

 

Bahagi si Sotto ng Gilas Pilipinas na sumabak sa dalawang laro ng tropa sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Beirut at Manila.

 

 

Maganda naman ang ipinamalas nitong laro.

 

 

Subalit hindi kuntento ang 7-foot-3 cager.

 

 

Kaya naman tuloy lang ito sa ensayo para mas lalo pang mahasa ang kanyang talento.

 

 

“I have to be better. I never had a perfect game and I think I didn’t play good enough,” ani Sotto.

 

 

Nabigo si Sotto sa tangka nitong maging kauna-unahang purong Pinoy player na makapasok sa NBA.

 

 

Walang humugot kay Sotto sa 2022 edisyon ng NBA Annual Rookie Draft.

 

 

Ngunit hindi ito nawa­walan ng pag-asa dahil may tsansa pa rin itong makapasok sa NBA sa tamang panahon.

 

 

Sa ngayon, balik sa Ade­laide 36ers si Sotto para sa nakatakdang pagbubukas ng 2022-2023 season ng Australia National Basketball League (NBL).

 

 

Nakakuha rin si Sotto ng payo mula sa teammates nito partikular na kay NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz.

 

 

Naniniwala si Clarkson sa kakayahan ni Sotto na personal nitong nasilayang maglaro kasama ang Gilas Pilipinas sa fourth window ng qualifiers.

 

 

Kailangan lang aniya na huwag mawalan ng pag-asa si Sotto.

 

 

Sa halip, ipagpatuloy lamang ang pagsisikap nito para mas lalong mapalakas ang kanyang sarili sa paglalaro.

Other News
  • NAVOTAS NAKAPAGTALA NG PINAKAMABABANG ACTIVE COVID CASES NGAYONG TAON

    NAKAPAGTALA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng pinakamababang active COVID-19 cases ngayong taon.     Tatlo na lamang ang natitirang COVID patients ng Navotas kasunod ng limang araw na magkakasunod na zero daily case reports.     Nagpasalamat naman si Congressman-elect Mayor Toby Tiangco at Congressman Mayor-elect John Rey Tiangco sa mga Navoteños para sa […]

  • Paolo, aminadong nagpapansin nang husto kay Piolo pero ‘no effect’

    ALIW na araw kami kina Martin del Rosario, Christian Bables at Paolo Ballesteros na nag-effort na mag-Barbie gurl sa guesting nila #2NYTwithAllanD na umeere sa Youtube tuwing 9 pm ng Sabado.   Nag-reunion nga ang stars ng Panti Sisters last Saturday sa live streaming ng show ni Allan Diones, na kung saan muling inamin ni […]

  • Asia’s 1st Grandmaster Eugene Torre iniluklok sa Hall of Fame ng World Chess Federation

    Bumuhos ang pagbati matapos iluklok sa World Chess Hall of Fame ng World Chess Federation si Filipino Grandmaster Eugene Torre.     Sinabi ng 69-anyos na Iloilo native, labis itong natutuwa at “proud” dahil siya ang unang Asian male player na nominado sa FIDE.     Sinundan nito ang yapak ni dating women’s world champion […]