• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BAGO GAWING REQUIREMENT ng LTFRB ang PAGTATANIM ng PUNO ay UNAHIN MUNA na PABILISIN ang pag PROSESO ng PAGKUHA ng PRANGKISA, AT IBA PA!

Inulan ng batikos ang LTFRB sa bagong direktiba nito na magtanim muna ng puno bago makakuha ng prangkisa. Tuloy ang akala ng iba ay naisailalim na ng DENR ang LTFRB at wala na sa DOTr.

 

Pero kami sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) wala naman kaming nakikitang masama sa direktibang ganito ng LTFRB.  Marahil ay ito ang isang nakitang paraan ng mga kasalukuyang namumuno sa LTFRB na maaring maiambag ng ahensya tungkol matapos na maranasan ng bansa ang epekto ng matitinding bagyo na nagdulot ng baha sa ilang parte ng Pilipinas.

 

Itinanong namin sa ilang operator kung handa sila mag tree-planting at wala naman daw problema. Pero ang isang malaking statement nila – WALANG PROBLEMA NAMAN ANG MAGTANIM PERO PAKIBILISAN LANG NILA ANG PROSESO NG MGA PAPELES SA LTFRB.

 

Huwag naman nila kalimutan ang mandatong trabaho nila! Baka naman kasi kung sakaling magtanim nga ang mga nire-require na magtanim ay baka malalaki na ang mga puno at namunga na ay wala pa rin ang prangkisa na kanilang inaplayan.

 

Maganda naman ang layunin ng pagtatanim ng puno pero baka maging kasingtagal ng paglaki ng mga puno ang proseso sa LTFRB. Huwag naman itong maging mas malaking biro.  Pero bago sana magdagdag ng requirements ay tingnan muna kung ito ay makakatulong o mas makadadagdag lamang sa pasakit sa mga may transaksyon sa LTFRB.

 

May mga ‘dropping’ at ‘substitution’ na inaabot ng taon ang resolusyon kaya tuloy naluma na yung mga bagong sasakyan na dapat humalili sa phase out ay hindi pa nakaka-byahe.

 

Ilan kayang application for new franchise ang nagkakalumot na at tinutubuan na ng kung anu-ano at di pa kumikilos – mga for resolution na mga kaso, at iba pa. Kung ang pagtatanim ng puno ang magpapabilis sa mga proseso sa LTFRN, ay walang problema! Bakit hindi. Anong klaseng mga puno ba ang gusto nila at saan-saan itatanim! Siguradong makikiisa ang mga aplikante sa LTFRB kung magiging mas mabilis nga ang transaksyon nila pag nagtinim sila ng mga puno.

 

Pero kung hindi naman ay huwag na! At baka sama ng loob lang ang maitanim sa bagong direktiba ng ahensya.  Hindi biro ito. Sana linawin ng ahensya ang mga prayoridad nito at maging mas sensitibo naman sa pangangailangan ng mamamayan. (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)

Other News
  • TV5, sinimulan na ang pinakamahabang selebrasyon ng Pasko

    INUNAHAN na ng Kapatid Network, ang Kapamilya at Kapuso Network sa paglo-launch ng ‘pinakamahabang Pasko sa buong mundo’.     Dahil simula na nga ng BER months kahapon, September 1, may pinasilip nga ang TV5 para sa official na pagsisimula ng ‘Pasko 2021’ kalakip ang statement na ito:     “The “BER months” are upon […]

  • PhilHealth: Breast cancer benefit, itinaas sa P1.4 milyon

    MAGANDANG balita dahil umaabot na ngayon sa P1.4 milyon ang benepisyo sa gamutan na ­maaaring matanggap ng mga breast cancer patients mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ito’y matapos na aprubahan na ng state health insurer ang pagtataas ng kanilang “Z-Benefit Package.” Sa isang public briefing, sinabi ni PhilHealth acting Vice President for Corporate […]

  • COMELEC nanawagang ire-activate rehistro para sa 2025 elections

    MULING nagpaalala sa publiko ang Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado na hanggang sa katapusan o Setyembre 30 na lang ang reactivation ng mga natanggal sa talaan ng botante.     Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na may 5.37 milyon ang nadiskubre nilang deactivated o hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na halalan.     […]