• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCAP: Magandang konsepto subalit kailangan baguhin, dapat repasuhin!

ISANG   dating   opisyal   ng   Metro   Manila   Development   Authority   (MMDA)   ang nagsabing hindi siya ayon sa  mga mungkahi na  tanggalin ang  pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) sa mga pangunahin lansangan sa Metro Manila.

 

 

Ang bagong elected na Rizal Rep. Jojo Garcia at dating MMDA general manager ang   hindi   sumasangayon  na   alisin   ang   NCAP   dahil   ang   nasabing   polisiya   ay   isang magandang konsepto na magtuturo ng disiplina sa mga motorista.

 

 

Dagdag pa ni Garcia na maganda ang konsepto ng NCAP kailangan lamang na repasuhin ang nasabing polisiya.  “We  need to  know  the  basis  why  and improve the system, the concept of NCAP is good for me,” wika ni Garcia.

 

 

Ayon naman kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na ang NCAP ay unconstitutional  dahil   hindi  ito   nagbibigay  ng   due  process  sa   mga  motorista   at   ang multa ay unreasonable at masyadong mataas. Ang multa sa NCAP ay automatically na pinapatong sa mga registered owner ng sasakyan  kahit   hindi  sila   ang  nagmamaneho ng  sasakyang   nahuli.  Diniin   naman  ni Garcia na ito ay talagang responsibilidad ng may-ari ng sasakyan dahil pumapayag sila na ibang tao ang magmaneho ng kanilang sasakyan.

 

 

“For me, why be afraid of the hefty fines if you are following rules. Do not commit mistakes so won’t be penalized,” dagdag ni Garcia.

 

 

Subalit sa sariling opinyon ni Garcia, ang mga may-ari ng sasakyan na involved sa traffic violation ay hindi dapat ang magbabayad ng multa kung hindi ay ang mga offending drivers. Dagdag   pa   ni   Garcia   na   hindi   parating   may   mga   traffic   enforcers   sa   mga lansangan dahil ito ay  prone sa  corruption  kung saan  ang NCAP ay  naglalayon na maiwan ang ganitong pangyayari.

 

 

“There is no way for the Philippines to go but NCAP,”saad ni Garcia. Subalit   aminado   naman   si   Garcia   na   ang   pagpapatupad   ng   NCAP   ay nangangailangan ng tamang road infrastructures upang maging epektibo. Dapat ang mga highways, side roads at pedestrian lanes ay may tamang markings. Dinepensahan naman ni Quezon City Assistant City Attorney Carlo Austria ang NCAP.

 

 

Ayon sa kanya dahil sa NCAP, ang mga traffic violations sa QC ay mas bumabasa mga lugar na sakop ng NCAP.

 

 

“For us, the 80 percent speaks for itself. Our streets became safer just because of the knowledge of the people that they will probably be apprehended if they make at raffic violation,” ayon kay Austria.

 

 

Karamihan sa mga traffic violations ay disobedience to control signals at road signs. Ang city government ng Quezon ay lumagda sa isang joint venture agreement kasama ang Qpax Traffic Systems Inc. para sa pagpapatupad ng NCAP. Ang private partner ay makakuha ng 60 porsiyento ng multa na makokolekta mula sa mga traffic violations. Sila rin ang  magdedevelop, install, operate at maintain ng NCAP habang wala naman gagastusin ang lungsod ng Quezon. Tinuligsa naman ni Albay Rep Joey Salceda kung bakit ang pribadong sektor ang nagkokolekta ng mga multa na ayon sa kanya ay magkakaron ng problema tungkol sa legality nito.

 

 

“The imposition of fines and penalties, for instance, could not be delegated by the government   to   private   companies   as   in   the   case   of   some   LGUs   implementing   theNCAP.  Can law enforcement be the subject of a PPP?

 

 

There appears to be no legalprecedent for the exercise of the police power by a private enterprise on behalf thestate, and it would appear to contradict the established doctrine of the state’s monopolyof force,” ayon kay Salceda.

 

 

Tinuligsa rin ni Salceda ang mataas na mga multa sa ilalim ng NCAP. Sa ilalim ng NCAP, ang isang motorista ay binibigyan ng multang P2,000 para sa unang offense,P3,000 sa ikalawang offense at P4,000 naman para sa ikatlong offense na kaugnay sa disobedience sa traffic, control signals at signs, obstruction ng pedestrian lanes, driving sa yellow yellow box, overspeeding,  non-wearing  of   helmet ng  motoricycle  riders  at disregard sa lane markings.  Para naman sa offenses tulad ng counterflow, reckless driving at non-wearing ng seatbelts ay nagkakahalga ng P3,000 sa unang offense, P4,000 sa ikalawang offense at P5,000 sa ikatlong offense. Noong  nakaraang buwan  ay pinahinto  ng  Supreme  Court   (SC)  En Banc  ang pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) na ginawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng limang (5) lokal na pamahalaan sa MetroManila. Nagbigay ng temporary restraining order (TRO) ang SC bilang sagot sa petitions na   inihain   ng   magkakahiwalay   na   complaints   laban   sa   pagpapatupad   ng   NCAP. LASACMAR

Other News
  • 3 drug suspects nalambat ng Malabon police sa buy bust

    TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Joana Pabito, 48, Angelito Pabito alyas […]

  • Sobrang saya sa billboards nila ni Gela: SYLVIA, forever grateful and thankful sa Kapamilya Network

    FOREVER grateful and thankful ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez sa Kapamilya Network, ang kanyang mother studio simula pa noong 1997.     Sa kanyang Instagram post, kasama ang photos nila ng asawang si Papa Art Atayde, ang magkasintahan na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo. Ang mga larawan ay makikitang kuha sa rooftop […]

  • ESTUDYANTE, 2 BUSINESSMAN KULONG SA P251-K SHABU

    KALABOSO ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na estudyante at dalawang businessman matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon city.   Ayon kay Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, alas-2:15 ng madaling araw nang isagawa ng mga […]