ESTUDYANTE, 2 BUSINESSMAN KULONG SA P251-K SHABU
- Published on September 21, 2020
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na estudyante at dalawang businessman matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon city.
Ayon kay Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, alas-2:15 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Adonis Aguila ang buy-bust operation sa M. H. Del Pilar Brgy. Tugatog.
Nasakote sa operation si Ryan Villanueva, 42 businessman ng Plaridel, Bulacan at Julius Velasquez, 36, businessman ng Lascano St. Brgy. Tugatog matapos bentahan ng P1,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng marked money.
Ani SDEU investigator PMSg Randy Billedo, nakumpiska sa mga suspek ang abaot sa 25.5 gramo ng shabu na tinatayang nasa P170,000 ang halaga at P1,000 buy-bust money.
Nauna rito, alas-5:45 ng hapon nang masakote din ng mga operatiba ng SDEU sa buy-bust operation sa P. Aquino corner Dr. Lascano St. Brgy. Tugatog, Malabon ang 18-anyos na estudyante na si Jastine Galang, ng PNR Compound. Brgy. 73, Caloocan city.
Nasamsam kay Galan gang aabot sa 12.0 gramo ng shabu na tinatayang nasa P81,600.00 ang halaga at P1,000 buy-bust money. (Richard Mesa)
-
Christmas Tree Lighting ceremony sa Maynila, nagningning sa pamumuno ni Yorme Isko Moreno
Sinimulan na noong Lunes, Nobyembre 23 ang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Lungsod ng Maynila matapos nating pailawan ang 45-feet Christmas Tree at ang mga parol sa Kartilya ng Katipunan. Pinailawan din ang mga dekorasyon sa Bulwagang Rodriguez ng Manila City Hall, pati na rin sa National Parks Development Committee, Intramuros Administration, National Museum of […]
-
Djokovic at asawa nito, nagnegatibo na sa coronavirus
Nagnegatibo na sa coronavirus si tennis star Novak Djokovic at asawa nitong si Jelena. Walang nakitang sintomas ang dalawa mula ng sila ay nag-quarantine ng 10-araw. Nakuha nito ang nasabing virus sa Adria tennis tour ang inorganisa ni Djokovic sa Belgrade at Zadar, Croatia. Naging pang-apat na tennis player si Djokovic na […]
-
Velasco, nanumpa sa harap ni Pangulong Duterte bilang Speaker ng Kamara
NANUMPA si Speaker Lord Allan Velasco bilang pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang pribadong seremonya na idinaos sa Rizal Hall ng palasyo ng Malacanang, Lunes ng gabi. “Lubos po ang aking kagalakan at pasasalamat sa ating Pangulo na labis ko pong hinahangaan at iginagalang. Tinatanaw ko po […]