30-M washable facemasks ipapamahagi sa mga nasalanta ng kalamidad – DTI
- Published on November 26, 2020
- by @peoplesbalita
Siniguro ng Department of Trade and Industry (DTI) na mamimigay sila ng 30 milyong washable face masks para sa mga nasalanta ng bagyong upang maprotektahan ang mga ito mula sa banta ng coronavirus disease.
Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, sinimulan na nila ang pamimigay ng mga facemasks katuwang ang Office of Civil Defense.
Noong isang araw aniya ay nagtungo sila sa apat na evacuation centers sa Marikina upang mamigay ng mga facemasks dahil karamihan daw sa mga residente ay nabasa na ang ginagamit na facemasks.
Dagdag pa ng kalihim, aabot na ng 1.5 billion facemasks sa buong Pilipinas ang kanilang naipamahagi na.
Patuloy naman ang ginagawang monitoring ng Department of Health sa mga indibidwal na nasa iba’t ibang evacuation centers para tiyakin na nasusunod ang mga umiiral na health protocols.
Ang mga evacuees na makikitaan ng sintomas ay kakailanganing sumailalim sa antigen testing upang hindi na kumalat pa sa iba ang sakit.
-
5 drug suspects, nadakma sa Malabon
LIMANG hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang dalawang ginang ang timbog sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Malabon City. Sa kanyang report kay NPD Acting Dirrector P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang […]
-
SIM Card Registration Act lusot na sa Kamara
Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang mandatory registration ng mga SIM cards. Ito ay kasunod na rin ng mga napabalitang paglipana ng spam messages kamakailan na nag-aalok ng trabaho kapalit ng mataas na sahod, na ayon sa National Privacy Commission (NPC) ay mula sa global o international syndicates. […]
-
Mga negosyante kinontra ang plano ng MMDA na pagbawalan ang mga pagsasagawa ng Sales
KINONTRA ng Philippine Retailers Association (PRA) ang panukala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pagbawalan ang pagsasagwa ng mall-wide sales ngayong Christmas season. Sinabi ni PRA President Roberto Claudio na tuwing ngayong panahon lamang nakakabawai ang mga store owners kung saan hindi lamang ang mga malalaking negosyante at maging ang mga […]