• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG, pinayuhan ang LGUs na maglunsad ng barangay anti-dengue campaign

PINAYUHAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang  local government units (LGUs) na buhayin ang kanilang  barangay inter-agency campaign laban sa dengue bunsod na rin ng pagtaas ng kaso nito.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ni  DILG Secretary Benhur Abalos na ang  Aksyon Barangay Kontra Dengue (ABKD) ay itinatag simula pa noong 2012 at nakatulong para maiwasan ang insidente ng  pagkakaroon ng dengue.

 

 

“Dengue remains to be a public health threat and with the escalating cases in the country today, LGUs must take a proactive stance and implement strategies to protect our people in the communities from this deadly disease,” aniya pa rin.

 

 

“Barangay captains are tasked to lead clean-up drives and mobilize volunteers, residents, and barangay health teams such as the Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) and barangay health workers,” ang pahayag ng DILG.

 

 

Inaasahan naman na imo-monitor ng mga Alkalde ang health situation sa kanilang lugar, magbigay ng  dengue data sa mga ahensiya at tiyakin na ang pasyente ay mabibigyan ng  medical attention.

 

 

Dahil dito, hinikayat ni Abalos ang publiko na i-exercise ang  ‘Enhanced 4S’  o ang “search and destroy breeding sites, seek early consultation, self-protection, and say ‘yes’ to fogging only in hotspot areas where an increase is registered for two consecutive weeks.”(Daris Jose)

Other News
  • 2 drug pushers timbog sa P408K shabu

    AABOT sa 60 gramo ng shabu na nagkakahalaga sa mahigit P.4 milyon ang nakumpiska ng pulisya mula sa dalawang umano’y notoryus drug pushers sa buy- bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.   Dahil dito, pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang Caloocan City Police Station Drug Enforcement Unit […]

  • Mga miyembro ng Kamara tuloy sa trabaho kahit naka-recess

    NGAYONG Biyernes ay pumunta sina Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., Laguna Rep. Dan Fernandez, Patrol Party-list Rep. Jorge Bustos, at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs sa Cavite upang saksihan ang ginawang pagsunog sa may P6 bilyong halaga ng iligal na droga […]

  • HB 5402: Senior’s discount sa traffic fines, minungkahi

    Ang House Bill 5402 ay inihainsamababangkapulunganupangmabigyan ng diskwento ang mga senior citizens ng 20 porsiento kung sakalisila ay mahulisamga traffic violations.   Si Rep. Dan Fernandez ng distrito ng Sta. Rosa City sa Laguna ang naghain ng nasabing HB.Ang HB 5402 ay naglalayonnaamendyahan ang Senior Citizens Act of 2003 (RA 7432).   “In furtherance of […]