• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dagdag sa DA budget, subsidies, pagagaanin ang impact ng inflation

NAGPAHAYAG ng kumpiyansa ang isang mataas na lider ng Kamara na ang halos 40% increase sa badyet ng Department of Agriculture (DA) sa susunod na taon at ang patuloy na subsidiya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa bulnerableng sector, ay makakatulong para maisaayos at mapagaan ang impact ng mataas na inflation rates.

 

 

“Kaya importante na tumaas ang budget ng DA. As we know, iyong inflation rate kasi weighted average iyan ng inflation rate ng iba’t ibang commodities. As we know, iyong commodity na mayroong pinakamalaking weight is of course food, one way to reduce food inflation rate is to ensure na mayroon tayong adequate supply,” ani Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, senior vice chairperson ng House committee on appropriations.

 

 

Ayon sa mambabatas, makakatulong ang pagtaas sa alokasyon ng DA para sa pagpapatupad ng mga programa nito na magsisiguro sa food security ng bansa.

 

 

“So ibig sabihin, kailangan nating palawakin ang suplay ng agricultural crops natin. Nandiyan ang bigas, corn, of course nandiyan ang karne, ang fish at meat,” dagdag ni Quimbo.

 

 

Naniniwala rin ito na tama ang direksiyon ng gobyerno na bigyan ng sapat na atensiyon at sapat na dagdag ang budget ng Department of Agriculture dahil kapag dumadami ang suplay ay puwedeng mapababa ang presyo ng pagkain.

 

 

Ang badyet ng DA para sa susunod na taon ay tumaas ng P46.5 billion o 39.62% mula sa P117.29 billion ngayon taon o magiging P163.75 billion sa 2023.

 

 

Importante rin aniya ang patuloy na ibinibigay na subsidiya ng DSWD para matulungan ang bulnerableng sector sa impact ng mataas na presyo ng bilihin.

 

 

“Kaya importante ang DSWD assistance programs, we have to make sure na ang ating mga kababayan na nangangailangan, nandiyan ang sufficiently funded na iba’t ibang assistance programs. With or without the pandemic, dapat may assistance programs talaga,” pahayag pa ni Quimbo. (Ara Romero)

Other News
  • LRT 2 East Extension tinatayang magbubukas ngayon April

    Inaasahang magsisimula ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 East Extension sa darating na April 27, 2021 matapos ang ginagawang dalawang (2) estasyon.     “Rail commuters coming from and to the east side of Metro Manila will soon experience a more convenient travel as the two (2) additional stations of the LRT2 Line […]

  • Gilas Pilipinas pamatayang 3 sentro – Fajardo

    MAGIGING astig ang gitna ng Gilas Pilipinas para sa 19th International Basketball Federation (FIBA) World Cup 2023 na mga iho-host ng bansa sa pamamagitan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas,  Japan at Indonesia.     Ito ang nakikita ni veteran internationalist June Mar Fajardo dahil sa trio center ng national men’s basketball team para sa quadrennial […]

  • ANGEL at NEIL, naka-white coat, pants at sneakers lang sa naganap na civil wedding; original plan siguradong itutuloy pa rin

    HINDI pa rin sinasabi nina Angel Locsin at Neil Arce kung kailan sila talaga nagpa-civil wedding kunsaan, ang Mayor ng Taguig na si Lino Cayetano ang nagkasal sa kanila.     Pero so far, marami naman ang natuwa para sa dalawa na dapat, November 2020 pa sana ang talagang date ng kasal, pero dahil nga […]