• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Insentibo sa mga guro, matatanggap ngayong National Teachers’ month

TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na makakatanggap ang lahat ng mga guro ng kanilang mga insentibo kasabay ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5.

 

 

Makakakuha ng P1,000 ang mga guro sa pampublikong paaralan bilang insentibo.

 

 

Ginawa ni Department of Education (DepEd) Spokesperson Michael Poa ang anunsyo sa isang press conference, na sinabing magpapatuloy ang ahensya sa pagbibigay ng insentibo, katulad ng nakaraang administrasyon.

 

 

Ipinagdiriwang ang National Teachers’ Month mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5.

 

 

Binigyang-diin ni Poa ang mahalagang papel ng mga guro sa pag-aalaga ng mga mag-aaral, na nangakong gagawin ng ahensya ang lahat para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

 

 

Hindi sila mapapagod na makinig sa mga hinaing ng guro

 

 

Aniya, hindi man mabibigyan ng resolusyon overnight o sa mga susunod na linggo ngunit talagang adhikain nila sa Department of Education na matugunan ang kanilang mga suliranin.

Other News
  • Pangako ni PBBM, susuportahan ang karapatan ng mga mamahayag

    NANGAKO si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  na susuportahan at  poprotektahan ng kanyang administrasyon ang karapatan ng mga mamahayag sa ilalim ng kanyang administrasyon.     Tinukoy ng Pangulo ang kanyang  kahandaan na pakinggan ang lahat ng hinaing ng mga ito.     “Under my lead, we will support and protect the rights of the media […]

  • 3×3 olympic qualifying tourney sisiklab sa Austria

    Nakatakdang magaganap ang FIBA 3×3 Olympic qualifying tournament (OQT) sa Graz, Austria sa May 26 hanggang 30, 2021.   Ito ang unang opisyal na FIBA 3×3 competition sa Austria, ayon sa FIBA.   “The focus of our government in sports is the promotion of trending and green sporting event,” ani Austria Vice-Chancellor at Sports Minister […]

  • PDu30, muli na namang dinepensahan si Sec. Duque

    SA hindi na mabilang na pagkakataon ay muli na namang ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III.   Nahaharap kasi si Sec. Duque sa alegasyon ng korapsyon.   Si Duque, chairman ng board of state medical insurer PhilHealth kung saan ang mga opisyal ay inakusahan sa Senate hearing ng pambubulsa […]