• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alex Eala, pinuri ng Malakanyang sa makasaysayang 2022 U.S. Open Junior girls’ singles tennis

PINURI ng Malakanyang ang  Pinay na si Alex Eala na nagwagi sa US Open girls’ singles competition  laban kay Lucie Havlickova ng Czech Republic.

 

 

Lumikha kasi si Eala ng makasaysayang pagkapanalo at tinanghal  bilang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng Grand Slam singles title sa tennis sa nasabing kumpetisyon.

 

 

Sinabi ni Press Secretary Trixie  Cruz-Angeles na  binabati ng Malakanyang ang 17-year old na si Eala nang talunin nito si Havlickova sa score na 6-2, 6-4 sa kumpetisyon sa Flushing Meadows, New York nitong Sabado (Sunday, Sept. 11, Manila time).

 

 

“Mainit na pagbati kay Alex Eala, ang kauna-unahang Pilipino na nagkamit ng titulo sa Junior Grand Slam Singles ng 2022 U.S. Open Championship!” ayon kay Cruz- Angeles.

 

 

“Maraming salamat sa karangalan na iyong ibinigay para sa ating bansa. Mabuhay ang atletang Pinoy,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ipinamalas ni Eala ang kanyang husay sa buong mundo sa simula pa lang nang laro matapos magtala ng 1-2 score sa opening set kung saan napanalunan niya ang limang laro.

 

 

Nakuha pansamantala ni Havlickova ang momentum ng laro sa pamamagitan ng 4-3 lead.

 

 

Pero nakabawi si Eala at nakontrol niya ang mga sunod na laro kung saan nakuha niya ang scores na 40-15, ang panghuli at ikasampung laro.

 

 

Naging emosyonal naman si Eala sa kanyang pagkapanalo.

 

 

“Buong puso ko itong ipinaglaban, hindi lang para sa sarili ko kundi para makatulong din ako sa kinabukasan ng Philippine tennis. So hindi lang ‘to panalo ko, panalo natin ‘to,” ayon kay Eala nang tanggapin niya ang kanyang trophy.

 

 

Unang tinalo ni Eala noong Sabado si Victoria Mboko ng Canada sa semi finals para maging unang Pilipino na nakakuha ng Grand Slam.

 

 

Nahigitan niya ang dating tagumpay ni Felix Barrientos sa semifinals ng 1985 version ng Wimbledon.

 

 

Si Eala ay anak ng dating national swimmer na si Riza Maniego.

 

 

Samantala, sinabi pa ni Cruz-Angeles  na ang pagkapanalo ni Eala ay nangangahulugan ng kahalagahan ng “good program” para sa pagtrato sa mga atletang Filipino.

 

 

Sinabi pa ni Cruz-Angeles na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isusulong ang plano at hakbang ng  Philippine Sports Commission (PSC) para sa pagpapabuti ng mga polisiya nito.

 

 

“Kaya naman sa ilalim ng administrasyon ng ating Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., may mga plano at hakbang na ang PSC (Philippine Sports Commission) sa pagpapabuti ng mga polisiya bilang tugon dito,” ayon kay Cruz-Angeles. (Daris Jose)

Other News
  • First time lang sumali, title holder agad: CRISTINA, kinoronahan bilang ‘Noble Queen of the Universe 2022’

    BONGGA ang naging salubong ng eventologist na si Tim Yap sa New Year dahil kinasal siya ulit sa kanyang partner na si Javi Martinez. Sa Instagram ay pinost ni Tim ang photo nila ni Javi na magka-holding hands habang nasa Amapulo beach sila at may caption na “married… again.” Kinasal si Tim at ang events […]

  • MATAAS ANG KASO NG COVID PERO BUMABA ANG SEVERE AT CRITICAL

    BAGAMA’T tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa maraming lugar sa bansa, bumababa naman ang severe at critical cases, ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH).       Gayunman, aminado si treatment czar at DOH Usec Leopoldo Vega na tumaas ang COVID cases sa Region 2,3, 4A, NCR , 7 at 10. […]

  • Pangako ng gobyerno, maging “more responsive” sa pangangailangan ng mga Filipino- OPS

    MAGIGING “more responsive” na ang gobyerno sa mga pangangailangan ng mga Filipino     Sinabi ni  Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na maliban sa pagpapalaganap ng impormasyon sa polisiya, programa, aktibidades at achievements, iimbitahan din ng OPS ang publiko na magbigay ng feedback bilang bahagi ng pagsisikap na makapanghikayat ng  citizen engagement.     “Hindi lang […]