• August 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paalala ng DILG sa LGU, huwag bumili, gumamit ng luxury vehicles sa mga operasyon

BAWAL  bumili o gumamit ng mga  luxury vehicles ang Local Government Units (LGUs) para sa kanilang operasyon.

 

 

Ito ang naging paalala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa LGUs kasabay ng naging panawagan ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa mga  LGU officials “to exercise due prudence and comply with budgetary, procurement, and auditing laws as well as other regulations and standards.”

 

 

“Manatili po tayong matipid sa pagpili ng sasakyan lalo na’t hindi pa tayo nakakabangon sa masasamang epekto sa ekonomiya ng pandemya ng COVID-19,” ayon kay Abalos.

 

 

“Dapat po tayong maging halimbawa sa ating mga nasasakupan sa masinop na paggamit ng pondo ng bayan,” ayon pa sa Kalihim.

 

 

Para sa DILG,  kinukunsiderang luxury vehicles ang mga “cars (sedan o hatchback) with an engine displacement exceeding 2,500 cc if gasoline-fed or 3,500 cc if diesel-fed and/or with an engine exceeding four cylinders; passenger vans or pick-up type vehicles with an engine displacement exceeding 2,500 cc if gasoline-fed or 3,000 cc if diesel-fed and/or with an engine exceeding four cylinders; multipurpose vehicles and vans with an engine displacement exceeding 2,500 cc if gasoline-fed or 2,800 cc if diesel-fed and/or with an engine exceeding four cylinders;

 

 

at  ang “sports utility vehicles with an engine displacement exceeding 2,700 cc if gasoline-fed or 3,000 cc if diesel-fed and/or with an engine exceeding four cylinders.”

 

 

Sinabi ni Abalos na kung bibili man ang LGUs ng sasakyan ay dapat na ” in the most efficient and economic manner considering that these are cost-effective, fuel-efficient, environment-friendly, and at par with improvements and developments in the automotive industry and relevant technology.” (Daris Jose)

Other News
  • Pagbangon ng ekonomiya prayoridad ni Leni – Trillanes

    PAGPAPANUMBALIK ng sigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa pamilyang Filipino, sa maliliit na negosyo, at sa mga nawalan ng trabaho ang priority ni VP Leni Robredo.     Ito ang binigyang diin ni dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes sa plano ni Robredo na “post-COVID recovery” na tutulong sa pagba­ngon ng mga maliliit […]

  • Bong Go, kinilalang ‘Ama ng Malasakit Center’

    Tiniyak ni Senate Committee on Health and Demography chairman Senator Christopher “Bong” Go sa mga Filipino na tuluy-tuloy na magiging operational ang Malasakit Centers at sisiguruhin niyang mas mabilis, maayos at abot-kaya ang serbisyong pangkalusugan sa harap ng patuloy na pandemya.     Matapos magsumite ng kanyang Certificate of Candidacy sa pagkapangalawang-pangulo sa 2022 elections, […]

  • South China Sea, hindi dapat na maging ‘nexus for armed conflict’- PBBM

    GINAMIT ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. ang pagdalo nito sa 42nd ASEAN Summit para muling ipanawagan ang maagang konklusyon ng Code of Conduct  (COC) sa South China Sea.     Sinabi ng Pangulo na hindi dapat maging “nexus”  ang rehiyon para sa armed conflict.     Sa  42nd ASEAN Summit Retreat Session,  ipinahayag ng Pangulo […]