• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod sa paghakot ng nominasyon sa Gawad Urian: ‘Gensan Punch’ ni Direk BRILLANTE, wagi sa Content Asia Awards 2022

CONGRATULATIONS to Direk Brillante Mendoza para sa kanyang latest accolade.

 

 

Ang pelikula niyang Gensan Punch, na kwento ng isang boksingero na may polio, ay nagwagi ng Best Asian Feature Film or Telemovie sa Content Asia Awards 2022.

 

 

Ito ay production ng Warner Bros. Discovery, HBO at Centerstage Productions.

 

 

Ang Gensan Punch ay isa rin sa mga nominadong pelikula in different categories sa Gawad Urian na gaganapin next month.

 

 

Ang Urian nominations na nakuha ng movie ang mga sumusunod:

 

 

Shogen (Best Actor), Ronnie Lazaro (Best Supporting Actor), Joshua A. Reyles (Cinematography), Ysabelle Dynoga, Armando Lao, Peter Arian Vito (Editing), Dante Mendoza (Production Design), Diwa de Leon (Music), at Mike Idioma, Alex Tomboc, Deo Van N. Fidelson (Sound).

 

 

***

ANG sexy star na si Maria Ozawa ay mananatiling celebrity partner at brand ambassador ng M88 Mansion, ang leading online gaming entertainment  platform.

 

 

Ito ang ikalawang taon ng kanilang partnership. Bilang preview sa kung ano ang magagananap sa Maria Ozawa Year 2, nagkaroon si Ozawa ng una sa kanyang series of “Game Night” live streams sa bagong established na Maria’s RoomTwitch channel na inilunsad noong July.

 

 

Dito ay gumagawa siya ng playthroughs at nirerebyu ang mga laro na featured sa Maria’s Room by M88 Mansion. Her presence on the video game streaming platform ay hindi lang nagpapalakas ng kanyang reach kundi nagbibigay din ng pagkakataon sa kanyang mga fans na mag-interact sa kanya.

 

 

Bukod sa Twitch streams, brand video shoots, and photo shoots, magkakaron din si Maria Ozawa ng mga meet and greet events in Asia in collaboration with M88 Mansion.

 

 

Matapos ang successful na virtual at live press conferences sa 2022, nakatakdang bumisita si Maria Ozawa sa iba’t-ibang bansa sa Asia bilang celebrity partner at brand ambassador.

 

 

Dumalo siya sa TotalEnergies BWF World Championships 2022 in Tokyo, Japan last month as her first public event for Year 2. Immediately following the event was her next appearance in Bangkok, Thailand early in September for another M88 Mansion event.

 

 

Magkakaroon din siya ng special shoutouts to lucky M88 Mansion players. For more information on this, visit Maria’s Room by M88 Mansion. Follow, like, and subscribe to the Maria’s Room social media accounts on Facebook, Instagram, YouTube, TikTok, and now on Twitch, for more details.

 

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Supply agreement para sa 30 milyong doses ng bakuna laban sa Covid-19, nilagdaan ng Pinas

    NILAGDAAN kahapon, Marso 10 ng Pilipinas ang supply agreement sa Novavax para sa 30 milyong doses ng bakuna nito.   “Nilagdaan na ang supply agreement with Novavax. Thirty million po yan,” ang anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque.   Kamakailan ay sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na pupunta siya sa India upang pirmahan […]

  • JANINE, nilinaw na matatagalan pa bago sila magpakasal ni RAYVER; looking forward sila ni JC na maipalabas sa sinehan ang ‘Dito at Doon’

    MATAGAL nang gustong makagawa ng pelikula ni Janine Gutierrez sa TBA, producer ng award-winning movie na Heneral Luna at Goyo.     Kaya naman nang dumating sa kanya ang offer to do Dito at Doon tinanggap niya agad ito kahit wala pa ang script sa kanyang mga kamay.     “I heard na may offer […]

  • Magkapatid sa sugatan sa pamamaril sa Malabon

    SUGATAN ang isang magkapatid matapos umanong pagtripan barilin ng tatlong lalaki, kabilang ang isang menor-de-edad na pinaniniwalaang mga lasing sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong mga sugat sa katawan si Joemarie Tuazon, 18, construction worker at kanyang kapatid na si Miguel Angelo, 16, kapwa ng […]