4 timbog sa buy bust sa Valenzuela, P212K shabu, nasabat
- Published on September 16, 2022
- by @peoplesbalita
MAHIGIT P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang mga naarestong suspek bilang sina Mamerto Canaveral alyas “Tor”, 55, Nestor Baltazar, 46, Ariel Duque, 42, pawang residente ng ng lungsod at Jerome Buenaventura, 28 ng Caloocan City.
Ayon kay Col. Destura, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PEMS Restie Mables sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Joel Madregalejo ng buy bust operation sa 6088 Balanti St. Brgy. Ugong matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagtutulak umano ng illegal na droga ni Canaveral.
Nagawang makipagtransaksyon ni PCpl Maverick Jake Perez na umakto bilang poseur-buyer ng P500 halaga ng shabu kay Canaveral at sa kasabwat umano nitong si Baltazar.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba kasama sina Duque at Buenaventura na kapwa parokyano umano ni Canaveral.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 31.27 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P212,636, buy bust money, P1,200 recovered money, 2 cellphone at pouch.
Ani PCpl Pamela Joy Catalla, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabags sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Druga Act of 2002. (Richard Mesa)
-
IRR ng Maharlika fund, isinapinal na-PBBM
ISINAPINAL na ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF), isang linggo matapos na suspendihin ang implementasyon nito. “The Investment Rules and Regulations of Maharlika Investment Fund have been finalized,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang Instagram. “Upon our approval, we’ll swiftly establish the corporate structure, […]
-
New Posters Unveiled: ‘Fly Me to the Moon’ Set to Illuminate Cinemas in July 2024
“Fly Me to the Moon,” featuring the dynamic duo Scarlett Johansson and Channing Tatum, is slated for a grand cinematic release in July 2024. This comedy-drama, directed by the acclaimed Greg Berlanti, combines wit, style, and high stakes in an unforgettable journey alongside NASA’s historic Apollo 11 moon mission. Johansson stars […]
-
LTO: Naghahanda na sa single ticketing system sa 2023
NAGHAHANDA na ang Land Transportation Office (LTO) sa pagpapatupad ng implementasyon ng single ticketing system sa Metro Manila sa unang third quarter ng susunod na taon. Ito ang sinabini assistant secretary Arturo Jay Tugade matapos gawin ang isang draft ng memorandum circular kung saan kanyang kukunsultahin ang mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan […]