• February 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod tangi sa NCR, Navotas kinilala ng COA

NAKAMIT ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ikalimang sunod na taon ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) matapos bigyan ng ahensya ng “unmodified opinion” ang presentasyon ng lungsod ng 2019 financial statements nito.

 

Namummukod-tangi ang Navotas na lokal na pamahalaang nakagawa nito sa Kalakhang Maynila.

 

Labis naman itong ikinatuwa ng magkapatid na Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco na parehong nagpasalamat sa mga partner nila sa lokal na pamahalaan, lalo sa mga opisyal at empleyado, sa halip na akuin ang panibagong recognition ng lungsod.

 

“We are happy and grateful to receive such great news. Amid the COVID-19 pandemic, this citation serves to bring us renewed hope and cheer,” ani Mayor Toby.

 

“We thank and laud everyone—all departments and offices—who worked hard for us to achieve this. May we continue to uphold the highest standards of public service and always give our best for the benefit of our people,” dagdag ng alkalde.

 

Nagkakaloob ang COA ng “unmodified opinion” sa pambpublikong institusyon na nagpresenta ng kalagayang pinansyal at daloy ng pananalapi sa patas na paraan alinsunod sa Philippine Public Sector Accounting Standards.

 

Noong Pebrero, pumasa rin ang Navotas sa 2019 Good Financial Housekeeping (GFH) standards ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

Ang GFH ay bahagi ng Seal of Good Local Governance, ang pinakamatas na parangal na ipinagkakalaoob ng DILG. (Richard Mesa)

Other News
  • EO para sa pork, chicken price ceiling ilalabas ng OP, ‘soon’ – Sen. Go

    Kinumpirma ni Sen. Bong Go na nakatakdang ilalabas ng Office of the President (OP) ang isang Executive Order (EO) na magpapatupad ng price ceiling sa karne ng baboy at manok.     Una ng inirekomenda ito ng Department of Agriculture (DA) para matugunan ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga food products at mapalakas […]

  • Rescue ng Badjao, Aeta sa kalsada inumpisahan na ng DSWD

    HINDI lang ngayong Pasko, kundi buong taon na tutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga Badjao at Aeta para hindi na hihingi ng limos sa mga lansangan.     Simula noong Nobyembre 18, aabot na sa 100 Badjao mula Mindanao ang na-rescue ng ahensya sa Metro Manila pa lamang.     […]

  • Sara-Gibo tandem sa 2022 lumutang

    Lumutang ang posibleng tandem nina Davao City Mayor Sara Duterte at dating Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro sa May 2022 national elections matapos lumipad kahapon patungong Davao City ang huli at makipagkita sa presidential daughter.     Ito’y sa gitna na rin ng ugong ng balak na pagtakbo umano ni Sara sa presidential race.   […]