2 PH golfers swak sa Olympics
- Published on November 26, 2020
- by @peoplesbalita
Maaaring dalawang golfers ang pwedeng ipadala ng Pilipinas sa Tokyo Olympics sa susunod na taon kung mapananatili lamang nila ang kanilang pwesto sa rankings, ayon sa secretary-general of the National Golf Association of the Philippines (NGAP).
Sinabi ni Valeriano “Bones” Floro of NGAP, halos sigurado na sina Bianca Pagdanganan at Yuka Saso na makalalaro sa Tokyo Games sa susunod na taon.
Ito’y matapos silang ma-rank sa Top 60 ng International Golf Federation sa kanilang Olympic Golf Ranking.
Si Saso, sumasabak ngayon sa LPGA sa Japan Tour, ay naka-rank na No. 25, habang si Pagdanganan, na lumalaro naman sa LPGA Tour, ay nasa No. 40.
“Ang kailangan lang natin doon sa dalawang athlete natin is maglaro lang sila ng maglaro,” ani Floro kaugnay sa dalawang sikat na golfer. “Sumali lang sila ng sumali sa mga event nila, and practically pasok na sila.”
Ang qualification period para sa Tokyo Games ay hanggang June 21 para sa men at June 28 para sa women, kung saan ang Top 60 golfers sa bawat kategorya ay papasok sa Olympics.
-
MABABANG COVID-CASES, NAITALA SA NAVOTAS
NAITALA ng Navotas City ang pinakamalaking kabawasan sa porsyento ng mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila. Nagrehistro ang lungsod ng -76% na pagbaba ng average daily attack rate (ADAR), ayon sa OCTA Research Group. Mula sa pinakamataas na 137, ang kada araw na […]
-
Barko ng Pinas hinabol ng Chinese vessels
NAGKAHABULAN ang barko ng Pilipinas at Chinese vessels hanggang sa matagumpay na naisagawa ng bansa ang resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Biyernes. Ito’y ayon sa Philippine Coast Guard, tila pelikulang nangyari nang habulin ng Chinese vessels ang barko ng Pilipinas na nakalusot sa gitna ng mga pagharang […]
-
Ads August 18, 2023