• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Reflect on lies, overcome bitterness

PINASARINGAN ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte  ang kanyang mga kritiko na nagpakalat at pumuna na ginamit niya ang  presidential chopper para sa kanyang personal trips.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi Duterte na umaasa siya na magmumuni-muni sa kanilang mga kasinungalingan ang mga taong nasa likod ng malisyosong pahayag na ito.

 

 

“I believe that a person who can conjure a lie from an appreciation post — that a helicopter is being used to go home every day, even giving in to the itch of maliciously suggesting that it is for personal use — should seriously reflect on why he had to lie,” ayon kay Duterte.

 

 

Giit nito, isang appreciation post ang kanyang pagpapaskil sa kanyang social media account ng payagan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gamitin ang Bell 412 helicopter.

 

 

Pinasalataman kasi ni  VP Sara si Pangulong Marcos na payagan siyang gamitin ang chopper para makasama ang kanyang pamilya.

 

 

“Thank you [President Bongbong] and your 250th [Presidential Airlift Wing] for ensuring that wherever I may be found in the country during the day, I am home in time to tuck my children to bed,” ani Duterte sa kanyang Facebook post, na may kasama pang larawan ng government aircraft.

 

 

Ang pasasalamat ani  Duterte kay Pangulong Marcos ay para sa pagsuporta nito sa kanya bilang opisyal ng pamahalaan at sa kanyang  personal duty  bilang isang ina.

 

 

Pinasalamatan din ni Duterte ang  presidential team para sa kanilang  “tireless” work, gaya ng “hopping from one island province to another”  para lamang mabisita ang mga Filipino.

 

 

Sa gitna ng usaping ito, pinayuhan naman ni Duterte ang mga taong nanlilibak sa kanya na  “recognize his anger and overcome bitterness.”

 

 

“I think that if this person can recognize his anger, he will be able to overcome his bitter and spiteful self. Hopefully, he becomes a better version of himself — despite the cycle of hate that has enslaved him,” ayon kay Duterte.

 

 

Samantala, sinabi naman ng OVP na tinitingnan na nito ang posibilidad na maghain ng kasong kriminal laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon.

 

 

“Pinag-aaralan ho namin ‘yan, kung magku-qualify ‘yan sa isang kriminal na kaso, kasi marami rin hong naloko at nalinlang ang ganyang post. At alam naman ho nating ‘pag pinabayaan nating mag-propagate po ‘yan, minsan naniniwala ‘yung taong bayan ,” ayon kay OVP Spokesperson Reynold Munsayac sa isang video statement. (Daris Jose)

Other News
  • Ads January 4, 2024

  • 800K beneficiaries, aalisin ng DSWD sa 4Ps

    SA HALIP na 1.3 milyon, aabot na lamang sa 800,000 ang mga benepisyaryo na aalisin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan. Ayon kay DSWD officer-in-charge Undersecretary Edu Punay, ang orihinal na 1.3 milyong benepisyaryo ay isinailalim nila muli sa rebalidasyon dahil ang naturang numero […]

  • Kharkiv, Ukraine inulan ng missile sa Russia

    NAGDULOT  ng malawakang damyos ang ginawang pag-atake ng Russian forces sa residential areas ng Kharkiv, Ukraine.     Sinabi ni regional head ng Kharkiv na si Oleh Synehubov na gumamit ang Russia ng Grad missiles isang artillery system na nakalagay sa truck na kayang pagkawala ng maraming missiles sa nasabing lugar.     Tinarget umano […]