• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Executive Sec. Rodriguez, bumaba na sa puwesto’

KINUMPIRMA  ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na bumaba na sa puwesto bilang Executive Secretary si Atty. Victor Rodriguez.

 

 

“I confirm that Atty Vic Rodriguez has stepped down as Executive Secretary,” wika ni Angeles.

 

 

Inilabas ng Malacanang ang pahayag, kasunod ng mga espikulasyon ukol sa sitwasyon ni Rodriguez sa gabinete.

 

 

Una nang lumutang ang naturang isyu noong mga nakaraang linggo, ngunit nanatili pa rin sa kaniyang tanggapan ang kalihim.

 

 

Katunayan, personal pa itong nakipagkita sa Malacanang Press Corps habang gumagawa ng kaniyang trabaho.

 

 

Pero makalipas lamang ang ilang araw, nag-imbestiga naman ang Senado ukol sa umano’y illegal Sugar Regulatory Order, para sa pag-aangkat ng nasa 300,000 metriko toneladang asukal, kung saan si Rodriguez ang sinisisi ng ilang senador na pinagmulan ng kalituhan.

 

 

Gayunman, paulit-ulit na dumipensa ang kalihim sa naging pagdalo nito hearings.

 

 

Si Rodriguez ay naging abogado at tagapagsalita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bago ito nahalal na presidente ng Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • Negative antigen test para sa mga int’l travelers, pinapayagan na ng Pinas-IATF

    PINAPAYAGAN na ng Pilipinas ang mga foreign travelers at returning Filipino na mag-presenta ng negatibong resulta ng laboratory-based antigen test sa kanilang pagdating sa bansa.     Ang pinakabagong hakbang na ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay sa gitna na rin ng pagpapaluwag sa coronavirus disease 2019 […]

  • Tulak kalaboso sa P.3M droga sa Valenzuela

    BALIK-SELDA ang isang umano’y tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang naarestong suspek na si […]

  • PBBM, nagpalabas ng EO 34, idinedeklara ang Pambansang Pabahay Para Sa Pilipino Program bilang flagship program

    NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order (EO) No. 34, idinedeklara ang   Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) bilang  flagship program  ng gobyerno.     Inaatasan din nito ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na magpalabas ng inventory ng  angkop na  lupain  para sa programa.     “The 4PH Program is […]