• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaking nagtangkang bumaril sa pulis, kalaboso

Masuwerte pa rin ang isang lalaki na nang-agaw ng baril ng isang pulis at tinangkang barilin nito ng tatlong beses matapos magpasya ang kabaro ng parak na arestuhin ito sa halip na barilin para mamatay sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., nagmamaneho ng motorsiklo habang walang suot na helmet si Bright Crisostomo, 20 ng 94 B Mabalacat St. 6th Avenue, Brgy. 111 nang tangkain nitong takbuhan ang police checkpoint sa kanto ng M.H. Del Pilar at 6th Avenue Streets dakong 8:40 ng gabi na naging dahilan upang habulin siya ng mga pulis.

 

Nang makorner nina P/Cpl. Ram Jorge Venturina at Pat. Emmanuel Gomez, Jr. ng East Grace Park Police Sub-Station 2 ay tinangka nilang arestuhin ang suspek subalit nanlaban ito at sapilitang inagaw ang service firearm ni Cpl. Venturina.

 

Itinutok ng suspek ang baril kay Ventura at tatlong beses na kinalabit ang gatilyo habang nagsasalita na “Pu..ina mo, papatayin kita” subalit nasa safety mode ang baril kaya’t hindi ito pumutok.

 

Kaagad sinunggaban ni Pat. Gomez ang baril hanggang sa madisarmahan nito ang suspek saka pinosasan.

 

Ani kay Col. Mina, iprinisinta ang suspek sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office sa kasong Frustrated Murder at paglabag sa Article 151 o disobedience of lawful orders of Persons in Authority or their Agents.  (Richard Mesa)

Other News
  • Ikinagulat din ni Direk Brillante ang pagsikat: COCO, walang character kaya gustong maglagay ng ‘scar’ sa mukha

    UNANG pelikula ni Brillante Mendoza bilang direktor ang “Masahista” na first lead role naman ni Coco Martin noong 2005. Pero si Coco ay umiba ng landas at napunta sa mainstream movies at series. Si Direk Brillante ay nanatili sa paggawa ng indie film at itinuturing na pinakamahusay na indie film director ng kanyang henerasyon. Ano […]

  • BILLY, mukhang pinasaringan ni VICE sa ginawang pagtapat at paglipat sa TV5

    NAGPASARING ba si Vice Ganda sa dating kasamahan sa It’s Showtime na si Billy Crawford?      Sa naganap na online presscon with the “Tawag Ng Tanghalan” hosts, napag-usapan nila Vice at Karylle ang tungkol sa pamilya at sa naging pahayag ni Anne Curtis na she is not leaving It’s Showtime.     Sey ni […]

  • Malakanyang, nangako sa LGUs na agad na ipamamahagi ang milyong doses ng bakuna kontra Covid-19

    NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na agad na ipamamahagi sa local government units ang milyong doses ng COVID-19 vaccines.   Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay sa gitna ng naging panawagan ni vaccines czar Secretary Carlito Galvez ng mataas na demand para sa bakuna sa hanay ng LGUs at sa limitadong ‘shelf […]