• May 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 27th, 2020

Ads November 27, 2020

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Biyudo kulong sa P170K shabu at baril

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Bagsak sa kulungan ang isang 51-anyos na biyudo matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong suspek na si Marcelo Amor, (watchlisted) ng 252 Abby Road 2, Brgy. 73.

 

Ayon kay Col. Mina, nakatanggap ng infomation report ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa Intelligence Section ng Caloocan police hinggil sa umano’y ilegal aktibidad ng suspek kaya’t isinailalim ito sa surveillance operation.

 

Dakong 3:50 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU warrior sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang buy-bust operation kontra sa suspek sa Abbey Road 2, Brgy. 73 kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makaorder sa suspek ng P10,000 halaga ng shabu.

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.

 

Nakumpiska sa suspek ang aabot sa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000 ang halaga, cellphone, improvised/homemade handgun, 3 bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril at buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at 9 piraso boodle/money. (Richard Mesa)

 

11 SHOW CAUSE ORDER, INISYU NG DPWH

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa 11 show cause order ang inisyu ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang mga kawani na nahaharap sa mga alegasyon ng katiwalian.

Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay  virtual media forum, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar  na nakikipag-uganayan na ang kanyang tanggapan kay Justice Sec. Menardo Guevarra mula nang magsimula ang pagsisiyat ng pinamumunuang Mega Task Force nito, alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Task Force naman aniya ng DPWH ay tuloy-tuloy din na imbestigasyon kaugnay sa mga alegasyon ng katiwalian sa kanilang hanay kung saan labing isa na ang inisyuahn ng show cause order para magpaliwanag  hinggil sa kinakaharap nilang reklamo.

Ayon sa kalihim, ito ay mula sa  mga taong nagbibigay ng sulat o direct complaint, gaya ng delay sa implementasyon ng mga proyekto at iba pa.

Masususpinde naman ang  mga nirereklamo kung makitaan aniya ng probable cause at dadaan sa nararapat na proseso at mahaharap sa kaso.

Inaasahan naman ni Villar na magkakaroon ng accomplishment ang kanilang ginagawang imbestigasyon laban sa mga tao sa DPWH na sinasabing sangkot sa kurapsyon.

Mayroon na ring 25 na contractors na naunang na-blacklist ng DPWH.

Dagdag pa ni Villar,na patuloy ang kanilang pagkilos upang mapigilan ang katiwalian sa kanilang bakuran kung saan nagpapatuypad na ito ng mga hakbang upang mapigilan  ang korapsyon. (GENE ADSUARA)

NBA All-Star Game 2021, kanselado na dahil sa COVID-19 pandemic

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kinansela na ng NBA ang nakatakdang All-Star Games dahil sa coronavirus pandemic.

 

Gaganapin sana ito mula Pebrero 12-14 sa Indianapolis at ito ngayon ay ni-rescheduled sa 2024.

 

Sinabini NBA Commissioner Adam Silver, na dismayado sila sa hindi natuloy na All-Star Game ay umaasa sila na matutuloy na sa 2024 sa paghost ng Indiana Pacers.

 

Magiging host naman ang Cleveland ang 2022 All-Star Game habang sa 2023 ay magiging host ang Salt Lake.

 

Magsisimula naman ang 2020-2021 NBA regular season sa Disyembre 22.

Angkas, JoyRide binigyan ng PA

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ang motorcycle taxi ride-hailing services na Angkas at JoyRide ay binigyan ng provisional authority ng motorcycle taxi technical working group (TWG) upang pansamatalang magkaron ng operasyon  sa Metro Manila.

 

Bawat isang kumpanya ay binigyan ng PA upang magkaron ng operasyon mula Nov. 24 hanggang Dec. 9 ng TWG “pending confirmation of compliance and to pending operational requirements.”

 

Ang dalawang kumpanya na Angkas at JoyRide ay pinayagan magkaron ng operasyon sa ilalim na pinalawig na motorcycle taxi pilot study ng Department of Transportation (DOTr) na tatagal ng tatlo (3) hanggang anim (6) na buwan.

 

Ang pag-aaral ay nagsimula noong June ng nakaraang taon na pinayagan ang mga motorcycle taxis na magkaron ng legal na operasyon upang ang pamahalaan ay mapagaralan at kumuha ng mga datus tungkol sa viability ng motorcycle taxis kung ito ay isang ligtas na pamamaraan ng public transportation.

 

Angkas, JoyRide, at MoveIt ang lumahok sap ag-aaral na ito na sana ay matatapos noong nakaraang April subalit naputol dahil sa COVID-19 na di inaasahan ay nagkaron ng lock-down noong March.

 

“Both Angkas and Joyride will still have to comply with guidelines to curb the spread of COVID-19, issued by the National Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease,” ayon sa DOTr.

 

Isa sa mga guidelines ay ang sapilitang pag-gamit ng thermal scanner upang malaman kung ang pasahero ay may lagnat.

 

Samantala, ang Angkas naman ay kailangan din na sumunod sa mga provisions tungkol sa insurance policy para sa sumasakay at nagmamaneho kung makakaron ng aksidente.

 

Bibigyan naman ng certificate of compliance ang Angkas at JoyRide kung sila ay parehong nakasunod sa mga pinaguutos ng TWG.

 

“The provisional authority is valid only until Dec. 9. So they need to address the pending concerns before that date. The TWG can issue the certificate of compliance before their provisional authority expires in case they can complete as soon as possible the requirements. The certificate of compliance will be given them authority to operate during the pilot study,” wika ni DOTr assistant secretary Goddess Libiran.

 

Habang ang MoveIt naman hindi pa nagpapahayag sa TWG kung gusto nilang mag comply kung kayat wala pang schedule ng inspection ang ginagawa sa kanila.

 

“We’re hoping they can submit it as soon as possible,” dagdag ni Libiran. (LASACMAR)

Lalaking nagtangkang bumaril sa pulis, kalaboso

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Masuwerte pa rin ang isang lalaki na nang-agaw ng baril ng isang pulis at tinangkang barilin nito ng tatlong beses matapos magpasya ang kabaro ng parak na arestuhin ito sa halip na barilin para mamatay sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., nagmamaneho ng motorsiklo habang walang suot na helmet si Bright Crisostomo, 20 ng 94 B Mabalacat St. 6th Avenue, Brgy. 111 nang tangkain nitong takbuhan ang police checkpoint sa kanto ng M.H. Del Pilar at 6th Avenue Streets dakong 8:40 ng gabi na naging dahilan upang habulin siya ng mga pulis.

 

Nang makorner nina P/Cpl. Ram Jorge Venturina at Pat. Emmanuel Gomez, Jr. ng East Grace Park Police Sub-Station 2 ay tinangka nilang arestuhin ang suspek subalit nanlaban ito at sapilitang inagaw ang service firearm ni Cpl. Venturina.

 

Itinutok ng suspek ang baril kay Ventura at tatlong beses na kinalabit ang gatilyo habang nagsasalita na “Pu..ina mo, papatayin kita” subalit nasa safety mode ang baril kaya’t hindi ito pumutok.

 

Kaagad sinunggaban ni Pat. Gomez ang baril hanggang sa madisarmahan nito ang suspek saka pinosasan.

 

Ani kay Col. Mina, iprinisinta ang suspek sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office sa kasong Frustrated Murder at paglabag sa Article 151 o disobedience of lawful orders of Persons in Authority or their Agents.  (Richard Mesa)

JM, nanahimik dahil naging abala sa walong buwan na military training

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TSINUGI na sa cast ng GMA teleserye na Owe My Love si Mystica dahil diumano sa attitude problem nito.

 

Ayon sa production, marami raw demands si Mystica at sunud- sunod ang kanyang reklamo sa lock-in taping schedule, sa pagkain at pati ang kasama niya sa kuwarto na si Kiray Celis ay pinag-initan niya. Nireklamo rin niya ang pagtanong sa kanya ng komedyanteng si Divine Tetay kung lasing daw ba siya?

 

Sey ni Mystica sa kanyang vlog: “Bakit ang isang artista, pag nagtanong o kaya gusto niya na maiklaro, and then you would ask her, ‘Are you drunk?’ That was the greatest insult sa akin po.”

 

Claim din ni Mystica na siya raw ang nag-back out sa teleserye at hindi siya tsinugi.

 

“I have been in showbusiness for 20-years but this is the only time I have felt that I have been treated unfairly and unjustly!” patuloy na emote ni Mystica.

 

Naglabas naman ng sagot ang mga taong may kinalaman sa production ng Owe My Love sa mga reklamo ni Mystica. Lalo na sa issue na hindi raw tama ang pagtrato sa kanya.

 

Wala raw katotohanan na hindi alam ni Mystica na lock-in tap- ing ang teleserye.

 

“Prior to the scheduled lock- in taping, all artists were already informed about the set-up as well as their room arrangements – to which Mystica did not bring up any concerns. She entered the lock-in taping on November 16.”

 

Tungkol naman sa pagiging roommates nila ni Kiray, ito ang sagot nila kay Mystica.

 

“With regard to her sharing the room with Kiray, this was communicated to her in advance as well. The door of their room was clearly labeled with the name of the assigned occupants—Kiray and Mystica. Kiray entered the lock-in taping on November 19, three days after Mystica. But that same night at 11pm, Mystica complained and demanded that she be given her own room.

 

“Due to the lateness of the hour, production could not accommo- date this immediately. But the following morning (November 20), she was transferred to her own room.”

 

Tungkol naman sa hindi raw magandang pagtrato sa kanya sa taping, ito ang sagot ng production…

 

“There is also no truth to Mystica’s claim that she was “taken for granted.” As part of the house rules, food is usually brought to the assigned area where artists are on standby. But upon request, this can also be delivered to the artist. Mystica was informed on Saturday that breakfast will be at the Artists’ tent in the shoot location, not at the hotel where she was billeted. She was also informed that her breakfast was for pick up from one of the standby tents. She complained about this set-up so the next day, two production staff were assigned to bring the meals to her.”

 

Na-violate din daw ni Mystica ang safety protocols ng lock-in taping.

 

“Mystica violated the program’s safety protocols last November 22 when she told the guard at the resort to allow her son to drive inside the premises. He got out of the vehicle and personally handed Mystica some groceries. This was done without the program’s permission.”

 

Dahil sa violation na ito, sinabihan nila si Mystica na kailangan niyang umalis sa lock-in taping at hindi na siya kasama sa cast.

 

“As a result of this serious breach of protocol, the program decided to ask Mystica to leave the lock-in taping on November 23. But when the show’s Executive Producer met with her that morning, she was already packed and ready to leave. The production assisted her until she left at around 8:30 am.”

 

Ginagawa raw ng network ang lahat ng paraan para maging kumportable ang mga artista sa lock-in taping.

 

“Owe My Love is doing its best to help make all artists comfortable but it also continues to strictly adhere to the protocols set by GMA Network as well as the concerned government agencies to ensure the safety and well- being of all its artists and production staff.”

 

Hindi na raw bago sa marami ang pinakitang ugali ni Mystica kapag may trabaho ito. Ang attitude problem niyang ito ang naging dahilan kung bakit bigla rin siyang tinanggal sa ABS-CBN teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano noong nakaraang taon.

 

*****

 

KAYA pala tahimik ang aktor na si JM De Guzman dahil naging abala ito sa kanyang training bilang military reservist training sa ilalim ng Philippine Air Force Reserve.

 

Walong buwan na dumaan sa military training ang aktor.

 

Noong nakaraang November 22, nag-share ang 32-year-old actor ng ilang photos sa social media ng kanyang basic citizens military training kunsaan tumanggap siya ng certificate.

 

Post ni JM sa Instagram: “Sgt. Juan Miguel de Guzman PAFR (Philippine Air Force Reserve). Finally, after eight months, I finished my Philippine Air Force Special Basic Citizen Military Training CL-2020 (lectures, drills, and rigorous simulations and training) of the Air Force Reserve Command conducted by 1st Air Reserve Center.”

 

“I learned a lot about myself, character, and gained a lot of wisdom in this training. As a reservist, I am ready to serve my country, help those in need of help, or in the dark (as cliché as it may sound) because I needed help be- fore and was also in the dark too — I know how it feels like.

 

“I am blessed and graced to stand up again and make things right. Now is the time for me to give back. It will be easier for me to do this with the guidance and support of our astig regular soldiers.

 

“At siyempre, ang sinumpaang tumulong protektahan ang Inang Bayan.”

 

Kabilang na si JM sa mga local celebrities na military reservists tulad nila Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Ronnie Liang, Matteo Guidicelli at Winwyn Marquez. (RUEL J. MENDOZA)

Nagpakilalang pulis, senglot na sekyu kulong

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kalaboso ang isang lasing na security guard matapos magpakilalang pulis habang nagwawala umano sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Si Francisco Ladrera, Jr. 42 ng Phase 7B Blk 33, Lot 22 Brgy. 176 Bagong Silang ay inaresto ng rumespondeng mga tauhan ng Llano Police Sub-Station 7 matapos walang maipakitang police identification card at sa halip ay nagpakita ng expire na lisensya ng dala niyang baril na isang kalibre 45 pistola na may dalawang magazine na kargado ng 16 na bala.

 

Nang kapkapan, nadiskubre ng mga pulis sa itim na sling bag ng suspek ang 16 piraso pang bala na para sa kalibre .45 pistol.

 

Sa natanggap na ulat ni Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, dakong 7:30 ng gabi nang respondehan ng mga barangay tanod ng Brgy. 176 na sina Resty Curitao, 36, Alvin Villar, 42 at Ariel Aurique ang tawag mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap kaguluhan sa 893 Llano Road.

 

Pagdating sa lugar, lumapit ang lasing na suspek at nagpakilalang miyembro ng Caloocan police saka ipinakita ang dalang baril na nasa kanyang sling bag na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga pulis ang mga tanod.

 

Ayon kay Col. Mina, mahaharap ang suspek sa kasong Usurpation of Authority at paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act. (Richard Mesa)

Pacquiao-Crawford fight pang-drumbeat sa FIFA World Cup

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Sakaling maikasa ang laban, planong dalhin ang mega fight sa pagitan nina Manny Pacquiao at Te­rence Crawford sa Doha, Qatar bilang bahagi ng drumbeating para sa 2022 FIFA World Cup.

 

Ayon kay Top Rank Promotions chief Bob Arum, nakikipag-ugnayan na ito sa ilang matataas na opisyales ng Qatar upang maikasa ang Pacquiao-Crawford fight.

 

Kabilang na sa mga kinakausap ni Arum ang chief organizer ng 2022 FIFA World Cup na si Hassan Al-Thawadi na tinukoy nitong malaki ang interes sa boksing partikular na kina Pacquiao at Crawford.

 

“He’s a big fight fan. He really is very enthusiastic,” ani Arum.

 

Naghahanda ang Qatar sa pinakamalaking torneong iho-host nito — ang FIFA World Cup na dadaluhan ng world-class football teams sa buong mundo.

 

Itinuturing itong kalebel ng Olympic Games dahil ang football ang pinakapopular na sport sa buong mundo.

 

Kaya naman ginagawa ng Qatar ang lahat upang maging matagumpay ang FIFA World Cup na idina­daos lamang tuwing kada apat na taon.

 

At isa ang Pacquiao-Crawford fight sa mga nakikitang posibleng makatulong sa pag-iingay para sa FIFA World Cup.

Pagpunta sa indoor religious gatherings, nagsisiksikang mall at tiangge…mga high risk activities ngayong holiday season – Malakanyang

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN ng Malakanyang  ang  publiko  ukol  sa inihahandang contingency plan ng Department of Health ngayong holiday season.

 

Sinabi ni  Presidential Spokesperson Harry Roque, mas mabuti nang maging maagap lalo’t ang  panahon ng Kapaskuhan ay  isang masayang okasyon sa Pilipinas kung saan marami ang pagtitipon, pagkikita-kita at reunions ng mga miyembro ng pamilya at mahal sa buhay.

 

Kaugnay nito’y inisa- isa naman ni Sec. Roque ang mga aktibidad ngayong holiday season na nasa kategoryang high- risk.

 

Kabilang dito ang pisikal na pagdalo sa mga indoor religious activities na maraming attendees, pamimili sa masisikip na tiangge at shopping mall.

 

Kinukunsidera namang medium risk  ang mga maliliit na pagtitipon sa labas o public areas alinsunod sa physical distancing at restrictions on mass gatherings habang ligtas naman ang pagdalo sa online masses,  Noche Buena o Media Noche kasama ang pamilya sa loob ng tahanan,  online video calls sa mga pamilyang magkalayo ngayong holiday season at pamimili sa online stores. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)