• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapaliban ng Brgy., SK polls lusot sa 2nd reading ng Senado

LUSOT na sa ikalawang pagbasa ang Senate Bill 1306 na nagpapaliban ng isang taon sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

 

 

Dalawa lamang sa mga senador ang bumoto ng No sa panukala na sina Senators Koko Pimentel at Risa Hontiveros.

 

 

Matapos ang ‘period of interpellation’ ay hindi na sumalang sa committee amendments ang panukala dahil ito naman ay substitute bill at agad ding dumiretso sa individual amendments.

 

 

Isang amendment ni Sen. Alan Peter Cayetano ang ipinasok ni Sen. Imee Marcos kung saan ipinadaragdag ang phrase na ang mga indibidwal na eligible na kandidato para sana sa December 5, 2022 Barangay at SK elections ay pinatitiyak na qualified pa rin sa halalang pambarangay at SK sa December 2023.

 

 

Hindi naman tinanggap ni Marcos ang pahabol na individual amendment ni Hontiveros na sa halip na December 2023 ay sa May 2023 idaos ang BSKE dahil naisara na ang botohan sa 2nd reading.

 

 

Sa ilalim ng panukala ay isasagawa ang Barangay at SK Elections sa ikalawang Lunes ng December 2023 at ang panunungkulan sa mga nahalal sa petsang ito ay magsisimula sa January 1, 2024.

 

 

Ang susunod naman na halalan para sa Barangay at SK ay gaganapin na sa ikalawang Lunes ng Mayo 2026, at mula sa petsa na ito ay idaraos na ang eleksyon tuwing ikatlong taon.

 

 

Ang mga maluluklok sa May 2026 ay mag-uumpisa naman ang panunungkulan sa June 30, 2026.

 

 

Base sa rules ng Senado, dahil pasado na sa ikalawang pagbasa kaya sa susunod na linggo ay maaaring maaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukala. (Daris Jose)

Other News
  • QC residents nakinabang sa naibabang financial assistance: AIKO, ginawaran ng ‘National Outstanding Humanitarian and Leadership Service’

    UMABOT na sa 10,500 residente ng Quezon City ang napagkalooban ng financial assistance na naibaba sa pamamagitan ni Councilor Aiko Melendez.     Bukod sa financial assistance, nakapagbaba rin katumbas ng P20 million medical assistance sa pamamagitan ng guarantee letters si Melendez na kamakailan ay ginawaran ng “National Outstanding Humanitarian and Leadership Service”. Kasama niya […]

  • Pacquiao gumastos P119-M noong nakaraang halalan, P60-M mula sa sariling bulsa —SOCE

    HUMABOL  din si Senator Manny Pacquiao sa kanyang pagsusumite nitong araw ng Miyerkules sa Comelec ng kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) noong nakalipas na halalan.     Idineklara ni Pacquiao na tumakbo sa pagkapresidente, na umaabot sa P119 million ang kanyang ginastos sa pangangampanya kung saan nasa P62 million dito ay mula raw […]

  • Kaya patuloy na mapapanood sa mga sinehan: ‘Balota’ ni MARIAN, top grosser sa opening week sa big screen

    HINDI nakalimutang alalahanin ni Andi Eigenmann ang yumaong inang si Ms. Jaclyn Jose nung kaarawan nito last October 21.   Sixty-one years old na sana si Jaclyn kung nabubuhay pa ito. Pumanaw ang award-winning actress noong March 2, 2024 dahil myocardial infarction or heart attack.   Nag-post si Andi ng throwback photo nila ni Jaclyn […]