• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinsala sa agrikultura ni Karding, lumobo na sa P160.1M —DA

LUMOBO na sa  P160.1 milyong piso ang pinsala at pagkalugi  sa agrikultura dahil sa hagupit ng bagyong Karding.

 

 

Sa pinakahuling pagtataya ng Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRM)  ng Department of Agriculture (DA), sakop nito ang 16,659 ektarya ng agricultural areas sa Cordillera Administrative Region , Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, at Bicol Region.

 

 

“This translates to a volume of production loss of 7,457 metric tons (MT) of commodities such as rice, corn, high value crops, and fisheries affecting 3,780 farmers and fisherfolk,” DA.

 

 

“These values are subject to validation. Additional damage and losses are expected in areas affected by ‘Karding’,” ang nakasaad naman sa  latest bulletin  ng DA, “as of 5 ng hapon, araw ng Lunes, Setyembre  26.

 

 

Tiniyak ng ahensiya na available ang tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda kabilang na ang  133,240 supot ng rice seeds; 5,729 supot ng corn seeds; at 4,911 kilograms ng  assorted vegetable seeds.

 

 

Mayroon din itong gamot at  biologics para sa “livestock at poultry,” at fingerlings at tulong sa pamamagitan ng  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

 

 

Sinabi pa ng departamento na  maaari nilang  gamitin ang Survival and Recovery (SURE) Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC), at P500-milyong halaga ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar. (Daris Jose)

Other News
  • 50% ng NCR, 6 high-risk areas unahin sa bakuna – OCTA

    Inirekomenda ng OCTA Research Group sa pamahalaan na unahing mabakunahan ang 50 porsyento ng populasyon ng National Capital Region (NCR) at anim na ‘high-risk areas’ para mas maagang makamit ang ‘herd immunity’ ng bansa kontra COVID-19.     Bukod sa Metro Manila, kailangang maging prayoridad din umano ng gobyerno ang Tuguegarao, Santiago, Baguio, Cainta (Rizal), […]

  • MARCO, walang takot na maghubo’t-hubad at ‘di pumayag na maglagay ng plaster; tinalbugan sina MARCO G. at ALJUR

    KUMALAT na sa social media at sa ilang gay websites ang daring photos ni Marco Gallo na kuha sa isang eksena sa pelikulang Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso.     Sa mga naturang photos, hubo’t hubad na naliligo si Marco at kita ang puwet niyang maputi, makinis at matambok.     Pumayag ang 20-year […]

  • NAVOTAS lumagda sa MOA upang magtatag ng School Peso Desk

    PUMASOK ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang Memorandum of Agreement para sa pagtatag ng isang Public Employment Service Office (PESO) Help Desk sa Navotas Polytechnic College (NPC) at lahat ng senior high school sa Navotas.     Pinirmahan ni Mayor John Rey Tiangco ang MOA kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent; Dr. […]