• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao- Mayweather malabo na!

WALANG  balak si undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr. na muling makasagupa si eight-division world champion Manny Pacquiao sa isang laban.

 

 

Kahit pa exhibition match, hindi ito papatusin ni Mayweather.

 

 

Ito ang mariing iniha­yag ng American fighter matapos ang kanyang exhibition match kay Japanese mixed martial arts fighter Mikuru Asakura sa Saitama Super Arena sa Saitama, Japan.

 

 

Iginiit ni Mayweather na tapos na ang misyon nito sa professional bo­xing fight.

 

 

At wala na itong plano pang bumalik sa pro boxing upang maproteksiyunan ang kanyang katawan.

 

 

“I retired from the sport, I didn’t let the sport retire me. I’m not going to get in there – no former fighters, former world champions putting any more abuse on my body,” ani Mayweather.

 

 

Ginagawa na lamang ni Mayweather ang exhibition matches para mag-enjoy at mapasaya ang mga tagahanga nito.

 

 

“I retired for a reason. I’m here to have fun, enjoy myself, sometimes three rounds, and sometimes eight rounds with guys that’s going to help me entertain the people. I’m not going to take punishment to the point where I can barely walk and barely talk,” dagdag ni Mayweather.

 

 

Parehong retirado na sina Mayweather at Pacquiao.

 

 

Ngunit nilinaw ni Mayweather na magkaiba ang estado nila ni Pacquiao.

 

 

“Manny had a great career but boxing retired Manny, Manny didn’t retire from boxing. There’s a difference,” ani Mayweather.

 

 

Hangad ni Maywea­ther na maipagpatuloy ang kanyang buhay base sa kanyang desisyon gaya ng pagtanggap sa mga exhibition matches.

 

 

Naitala ni Mayweather ang second round knockout win kay Asakura noong Linggo ng gabi kung saan personal na nanood si Pacquiao sa laban.

 

 

Nakatakda ring sumalang sa isang exhibition match si Pacquiao kontra naman kay South K­orean mixed martial artist at Youtuber DK Yoo sa Dis­yembre.

 

 

Idaraos ito sa Seoul, South Korea.

Other News
  • Zarate, ginagamit di umano ang perang kinokolekta ng NPA para pag-aralin ang anak sa Europa

    INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bayan Muna Representative Carlos Zarate nang paggamit ng pera na kinolekta ng New People’s Army para bayaran ang pag-aaral ng kanyang anak sa Europa. Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na duda siya kung paano napag-aral ni Zarate ang kanyang anak sa […]

  • Dahil sa kakaibang husay sa pag-arte… ROYCE, umani ng mga papuri mula sa veteran cast ng ‘Makiling’

    MULA nang magsimula noong 2024 bilang opening salvo ng GMA Public Affairs, ang revenge drama na ‘Makiling’ ay nabighani ng mga manonood sa bawat episode, at sa mga teaser nito na nakakuha ng milyun-milyong view online. Ang lead actress nito, Sultry Leading Lady Elle Villanueva, ay binihag ang madla sa kanyang kagandahan at epektibong paglalarawan […]

  • Target population para mabakunahan ng COVID-19 vaccine sa NCR, nasa 100% na – MMDA

    Naabot na raw ng National Capital Region (NCR) ang 100 percent na target population para mabakunahan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.     Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr., ang Metro Manila raw ay mayroong elligible population na 9.8 million.     Labis na ikinatuwa ni Abalos ang naging […]