Zarate, ginagamit di umano ang perang kinokolekta ng NPA para pag-aralin ang anak sa Europa
- Published on December 24, 2020
- by @peoplesbalita
INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bayan Muna Representative Carlos Zarate nang paggamit ng pera na kinolekta ng New People’s Army para bayaran ang pag-aaral ng kanyang anak sa Europa.
Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na duda siya kung paano napag-aral ni Zarate ang kanyang anak sa ibang bansa.
“Sinasabi mo na si Sandro, anak mo, ginagastusan ng lola. You know, baka sabi mo talagang maloloko mo ang Pilipino lalo na kami dito. Ang lola tiningnan namin, matanda na, wala namang income,” ayon kay Pangulong Duterte.
Sinabi ng Pangulo na may mga hawak siyang dokumento na may kinalaman kay Zarate kabilang na ang birth certificate at income history nito.
Ayon sa Pangulo, ang anak ni Zarate ay nag-aaral sa The John Paul II Catholic University of Lublin sa Poland.
Ani Pangulong Duterte, base sa kanilang record, madalas ang pagbyahe ni Zarate sa Europa.
Kung ang sweldo mo, Zarate, ‘yan ang ginagastos mo para sa anak mo, pinapasa mo don sa nanay mo na matanda na, eh you’re pulling everybody’s leg. Wag mo kaming bolahin,” ayon sa Punong Ehekutibo.
“Baka kaya siguro ang ginagastos mo ‘yong perang kinokolekta ng mga NPA dito. Hindi nila alam na ang kinokolekta nila pumupunta ‘yan doon sa mga lider, malalaki ang kita tapos sila hirap. ‘Yan ang problema diyan sa mga NPA, nagpapaloko kasi kayo,” dagdag na pahayag nito.
Biniyang diin pa ni Pangulong Duterte na ang ina ni Zarate na sinasabi at itinuturong siyang nagbabayad para makapag-aral ang anak niya (Zarate) sa ibang bansa ay walang “source of income”.
“Walang income ang nanay mo. Matanda na so ikaw talaga ‘yan kay anak mo ‘yan. I would not want to go into remittances kasi while we have a way of knowing pero alam namin na you send money regularly to your son,” ang pahayag ng Pangulo.
Bukod dito, si Zarate ay may “incongruity” sa kanyang ideology.
“Kunwari galit ka sa mga mayayaman. Kunwari galit ka sa mga ‘di nagbabayad ng wastong buwis, nagfa-falsify ng mga properties nila.
You’re a hypocrite… You’re a chauvinist pig,” diing pahayag ng Pangulo.
Samantala, matapang na sinabi ng Pangulo na nais niyang makausap si Zarate, maaari rin aniya nitong isama si dating Senador Antonio Trillanes IV bilang bodyguard.
“Gusto kitang makausap kung talagang lalaki ka. Okay na ‘yang komunista ka. Kung lalaki ka talaga, tanggapin mo ang hamon ko. Saan mo gusto tayong magkita? O gusto mo bodyguard, isama mo na si Trillanes,” ani Pangulong Duterte sabay sabing “Sige ako mag-isa, dalawa kayo.”(DARIS JOSE)
-
TOM, gumawa ng special poem at video para sa 35th birthday ni CARLA; walang celebration dahil parehong nasa lock-in taping
KAHIT nasa kani-kanilang lock-in taping ang engaged couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, hindi sila nawawalan ng communication sa isa’t isa. Nitong nakaraang 35th birthday ni Carla, gumawa ng special poem at video si Tom para sa kanyang fiancee na kasalukuyang nasa lock-in taping ng teleseryeng To Have And To Hold. […]
-
MARK, nagka-isyu sa pera at ‘yun ang kanyang itinama na malaki ang naitulong ni NICOLE
UNA raw na binago ni Mark Herras sa kanyang sarili noong magkaroon na sila ng anak ng misis na si Nicole Donesa ay ang ibigay ang buong suweldo niya mula sa GMA. Para rin daw iyon sa pagsisimula ng pag-ipon nila sa future ng baby nilang si Corky. Natatawang kuwento ni Mark: […]
-
Tiniyak ang repatriation assistance
UMAPELA ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino sa Ukraine na huwag mag-panic sa gitna ng nagpapatuloy na paglusob ng Russia. Tiniyak ng DFA sa mga ito na mabibigyan sila ng tulong at madadala sa mas ligtas na lugar o mapauuwi sa Pilipinas kung kinakailangan. Sinabi ni Foreign Secretary […]