• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpakilalang pulis, senglot na sekyu kulong

Kalaboso ang isang lasing na security guard matapos magpakilalang pulis habang nagwawala umano sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Si Francisco Ladrera, Jr. 42 ng Phase 7B Blk 33, Lot 22 Brgy. 176 Bagong Silang ay inaresto ng rumespondeng mga tauhan ng Llano Police Sub-Station 7 matapos walang maipakitang police identification card at sa halip ay nagpakita ng expire na lisensya ng dala niyang baril na isang kalibre 45 pistola na may dalawang magazine na kargado ng 16 na bala.

 

Nang kapkapan, nadiskubre ng mga pulis sa itim na sling bag ng suspek ang 16 piraso pang bala na para sa kalibre .45 pistol.

 

Sa natanggap na ulat ni Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, dakong 7:30 ng gabi nang respondehan ng mga barangay tanod ng Brgy. 176 na sina Resty Curitao, 36, Alvin Villar, 42 at Ariel Aurique ang tawag mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap kaguluhan sa 893 Llano Road.

 

Pagdating sa lugar, lumapit ang lasing na suspek at nagpakilalang miyembro ng Caloocan police saka ipinakita ang dalang baril na nasa kanyang sling bag na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga pulis ang mga tanod.

 

Ayon kay Col. Mina, mahaharap ang suspek sa kasong Usurpation of Authority at paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act. (Richard Mesa)

Other News
  • Pag-unfollow ni PAOLO kay LJ, effective dahil nag-number one sa Netflix ang movie nila ni YEN

    GIMIK man o totoong may “something” o may pinagdaraanan ngayon ang mag-partner na sina Paolo Contis at LJ Reyes dahil sa pagkaka-unfollow ni Paolo sa Instagram ni LJ at pagdi-delete rin ng mga pictures nila, ang sigurado, epektibo ang nangyari.     Effective dahil ang movie ni Paolo ngayon sa Netflix na A Far Away Land katambal […]

  • Pagbalik ng ekonomiya sa pre-pandemic levels, ‘di pa rin sapat sa recovery ng bansa – NEDA

    MAS MARAMI pa ang kailangan at dapat gawin upang sa gayon magtuloy-tuloy ang economic growth ng Pilipinas kahit pa makabalik na ang bansa sa prepandemic form nito ngayong quarter, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).     Sinabi ni Socioecoomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon […]

  • Ads August 15, 2023