• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Distribusyon ng P1.7b halaga ng educational aid, matagumpay; ekstensyon, malabo

NAGING matagumpay ang distribusyon ng P1.7 bilyong halaga ng  educational aid  sa 713,916 benepisaryo.

 

 

“Yung ating educational assistance, una nakakatuwa po dahil kahit papaano po ay talagang naging successful po ‘yung anim na Sabado na pamamahagi natin ng ating educational assistance,”  ayon  Department of Social Welfare and Development (DSWD) spokesperson Rommel Lopez.

 

 

“Ang atin pong napamahagi na ay P1.7 billion na po. ‘Yung atin pong naabot ng ating programang ito ng ating educational assistance ay umabot na po sa 713,916 students o beneficiaries,” dagdag na wika ni Lopez.

 

 

Malabo naman na palawigin pa ng departamento ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng programa.

 

 

Ang katwiran ni Lopez,  naubos na ng DSWD ang lahat ng inilaang pondo at gumamit na rin ito ng karagdagang budget.

 

 

Sa katunayan nga aniya ay  una nang naglaan ang DSWD ng P1.5 bilyong piso para sa educational assistance program.

 

 

Ngunit, sinabi ni  DSWD Secretary Erwin Tulfo na  mangangailangan pa sila ng karagdagang P200 milyong piso hanggang  P300 milyong piso para muling buksan ang  educational assistance program para sa mga  indigent students.

 

 

Ayon sa  Kalihim, hindi sapat ang P1.5-billion budget lalo pa’t umabot sa 2 milyon ang bilang ng mga estudyante na nagpa-rehistro para makasama sa programa.

 

 

Unang tinarget ng DSWD  na makapagbigay ng tulong sa  400,000 estudyante lamang sa buong bansa.

 

 

Sa ilalim ng  programa,  hanggang tatlong estudyante kada  indigent family ang makatatanggap ng P1,000 para sa mga  elementary students;  P2,000 para sa  high school students; P3,000 para sa senior high school students, at P4,000 para sa  college students o vocational courses.  (Daris Jose)

Other News
  • Phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza may bagong pasabog

    May pasabog ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza na tiyak na ikasasaya ng mga ADN or ang AlDub Nation fans nila.  Ngayong Thursday, December 10, ay ilo-launch na nila ang bago nilang endorsements after three years na nagkahiwalay sila sa pag-iendorse ng mga TV commercials.    Mamayang 3:00PM ang launch nina Alden […]

  • Department of Transportation, iaalok na rin ang fare discount

    IAALOK na rin sa piling mga ruta sa buong bansa ang proposed fare discount para sa public utility vehicles o (PUVs) na ipatutupad sa darating na Abril.     Matatandaan na nakikipagtulungan na ang ahensya ng transportasyon sa Land transportation franchising and regulatory board at sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga ruta […]

  • Ads November 30, 2023