• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P7 MILYONG SHABU GALING LONDON , ISINILID SA ISANG STUFFED TOYS, NASAMSAM

MAHIGIT P7 milyon halaga ng hinihinalang  shabu  na nakalagay sa isang package na idineklara na mga “stuffed toys”  ang nasamsam matapos  na naaresto ang isang babae na  tumanggap nito  sa Bacoor City, Cavite Martes ng hapon.

 

 

Kinilala ang naaresto na si  Noelle Denise Azul, 29, dalaga habang pinaghahanap ang kaibigan nito na si  Octavia Dela Cruz, 30, dalaga, kapwa residente ng Blk 11 Lot 23 Magdiwang Subd., Brgy. Queens Row Central, Bacoor Cavite.

 

 

Sa ulat, isang package mula sa London ang dumating nitong September 23, 2022 na nakapangalan kay Dela Cruz at  idineklarang “Baby Soft Toys” pero nang dumaan ito sa X-ray inspection at K9 sniffing dogs, lumabas na kahina-hinala ito at may indikasyon na may nakasilid na droga dito

 

 

Muling ipinadaan ang nasabing bagahe sa Rigaku Progency ResQ FLX Chemical Analyzer at nakumpirmang naglalaman ito ng Methamphetamine Hydrochloride  o Shabu.

 

 

Dahil dito, nagsagawa ng controlled delivery operation ng pinagsamang pwersa ng  PDEA RO3 (RSET), PDEA RO III RSET, PDEA RO III CLARK AIU, Bureau of Customs, Port of Clark, at Bacoor SDEU kung saan sinundan hanggang sa delivery address sa  187 Queen’s view St., Brgy. Queen’s Row Central, Bacoor Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay Azul sa aktong tinatanggap nito ang nasabing package dakong alas-5:50 kamakalawa ng hapon.

 

 

Si Azul ay binigyan ng authorization ni Dela Cruz na tumanggap sa  nasabing package.

 

 

Narekober sa lugar ang isang package na naglalaman ng dalawang light Green stuffed toys at bawat isa nito ang may laman na tatlong blue na plastic bag na naglalaman ng kabuuang  1,140 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na ₱7,866,000.00; anim na  Identification Cards at isang unit ng Huawei  Cellular Phone.

 

 

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa sender ng nasabing package na pansamantalang hindi ibinunyag ang pagkakakilanlan. (Gene Adsuara)

Other News
  • Magiging part ni KC, wala pa ring details: SHARON, naninibago pero excited na masaya sa concert nila ni GABBY

    ISA si Megastar Sharon Cuneta sa mga excited na sa papalapit na “Dear Heart: The Concert” nila ni Gabby Concepcion sa SM Mall of Asia Arena sa October 27, 2023.  Na kung saan masasaksihan na ng kanilang masusugid na fans ang muli nilang pagtatanghal on stage. Say ni Sharon,  “Naninibago ako, the concert is a […]

  • El Niño higit na titindi sa darating na mga buwan – PAGASA

    TITINDI  pa ang kasaluku­yang nararanasang panahon ng El Niño sa bansa ngayong buwan hanggang sa susunod na mga buwan ngayong taon.     Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr. base sa kasalukuyang kundisyon, may katamtaman hanggang sa matinding tagtuyot ang mararanasan mula sa Pebrero hanggang Mayo ngayong taon.     Una nang sinabi ni […]

  • Naghiwalay na pagkatapos ng tatlong taon: JASON, ‘di itinago na naging ‘unfaithful’ bilang asawa ni MOIRA

    PAGKATAPOS ng tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa, naghiwalay na sina Jason Hernandez at Moira dela Torre.       Hindi inaasahan ng mga tagahanga nila Jason at Moira na aabot sa paghihiwalay ang dalawa dahil noong January 2019 lamang sila kinasal.       Hindi naman itinago ni Jason na naging unfaithful siya bilang asawa […]