• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Degradation ng Sierra Madre, pinaiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ng chairman ng House committee on natural resources ang degradation o unti-unting pagkasira ng Sierra Madre mountain range.

 

 

Sa House Resolution No. 430, nais din makahanap ng mga paraan si Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., upang maprotektahan ang naturang kabundukan upang maiwasan ang pagbaha sa iba’t iban lugar sa bansa.

 

 

“There is an urgent need to determine whether human activity such as illegal logging, gold mining, limestone mining, construction aggregate quarrying, deforestation and dam construction are being conducted at the Sierra Madre Mountains,” ani Barzaga sa naturang resolusyon.

 

 

Kung may nagaganap aniyang quarrying sa nasabing lugaray kailangang mabatid kung may nakuha silang permits at kung may ginawang environmental impact assessments.

 

 

Ang Sierra Madre Mountains ay pinakamahabang kabundukan o mountain range sa Pilipinas na may total land area na 2.8 million hectares at sumasakop mula Cagayan province sa hilaga hanggang Quezon sa timog at 10 probinsiya sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Laguna at Quezon.

 

 

Nagsisilbi itong natural shield laban sa bagyo at pagbaha na nanggagalin sa Pacific Ocean.  Sinusuportahan ng watershed nito ang water system ng Central Luzon, Cagayan Valley at Metro Manila.

 

 

“It is home to flora and fauna including the Philippine eagle and the golden-crowned flying fox.  It is also home to 15 different indigenous peoples holding Certificate of Ancestral Domain Titles or ancestral domain claims groups,” dagdag nito.

 

 

May naging papel din ang Sierra Madre Mountains sa pagbibigay proteksyon sa pagtama ng mga bagyong “Karding,” “Ompong” noong 2018, “Lawin” at “Karen.”

 

 

Subalit, hindi nito naprotektahan ng buo ang bayan ng San Miguel, Bulacan mula sa bagyong ‘Karding’ na dumanas na matinding pagbaha naikinasawi ng limang provincial anti-disaster rescuers. (Ara Romero)

Other News
  • Uusok na talakan sa pulong ng POC

    TIYAK ang walang puknat na balitaktakan na naman para sa sa darating na halalan Nobyembre sa Philippine Olympic Committee (POC) sa executive board meeting ngayon Sabado, Setyembre 12  ng alas-10:00 nang umaga via Zoom.   May ilang beses  nang walang nabuo matinong usapan para sa eleksiyon dahil sa pagtutol ng mayorya sa pinipilit ni POC […]

  • 2 sa People’s Balita, nanumpa kay PCO Secretary Chavez

    ISANG malaking karangalan sa pamunuan ng Alted Publications, ang naglalabas ng mga isyu ng People’s Balita, isang national-tabloid newspaper kung saan isang Editorial Consultant at Reporter nito na mga opisyal ng Manila City Hall Press Club (MCHPC) ang kabilang sa nanumpa sa harapan ng Presidential Communication Office (PCO) Secretary Cesar Chavez sa Malacanang.     […]

  • Sandro, iba pang Marcoses sa Ilocos Norte, pinroklamang panalo sa local polls

    LAOAG CITY, Ilocos Norte- PINROKLAMA ng Commission on Elections (Comelec) ang political neophyte na si Sandro Marcos bilang panalo sa first district congressional race sa Ilocos Norte, araw ng Martes.     “Maraming salamat sa tiwala at suporta ng aking mga kakailian. Napakalaking bagay po nito para sa akin dahil ito po ang unang beses […]