Inisa-isa ang magiging bahagi ng anniversary concert: ICE, nagpasalamat at binalikan ang mga alaala kina MARTIN at GARY
- Published on October 4, 2022
- by @peoplesbalita
SUNOD-SUNOD ang Facebook at Instagram post ni Ice Seguerra para sa mga special guest niya sa ‘Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert’ na magaganap ngayong October 15 (Saturday, 8 pm) sa The Theater at Solaire.
Para sa singer-songwriter at direktor na rin, dream come true nga na makasama ang dalawang OPM icons na tulad din niya, na iniidolo talaga sa music industry.
Sa kanyang post, may kuwento si Ice at pasasalamat sa magiging bahagi ng kanyang first major concert in ten years at first time din siyang magpi-perform bilang Ice.
Una siyang nagbigay ng message kay Concert King Martin Nievera, “Nu’ng bata ako, bago ko pa ma-realize na siya si Martin Nievera, tambay na ako sa bahay nila. Nakiki-swimming, nakikikain, feeling kapatid ng mga kids niya. Haha!
“Kuya Martin is the type of person na kahit isa na siyang haligi sa industriya, never niyang pinaramdam sa amin yun. Kuya siya ng lahat. I remember when we did shows in Japan, kahit madaling araw at maliit na venue, hindi nagbago ang performance niya. Du’n talaga ako napahanga sa kanya, lalo na kung paano siya makitungo sa mga taong nasa paligid niya.
“He’s someone I really look up to, mula noon hanggang ngayon, not just because of how good he is pero dahil sa puso niyang napaka generous.
“I love you, Kuya Marts! I’m so glad na magkasama tayo sa concert ko on October 15.”
Para naman kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano, “Idol ko na si @garyvalenciano nasa tiyan pa lang yata ako ng nanay ko. I grew up listening to his songs. Ginagaya ko mga asta niya, from his dance moves hanggang panginginig ng baba, plakado dapat.
“Never ko inakala na yung ulitimate idol ko eh makakasama ko. Naging tatay ko siya sa Papa’s Girl (movie), nakasama ko rin bilang isang manganganganta, nag mentor pa kami sa Elements Camp together, at pinalad akong ma direct siya sa isang production number for an event.
“His artistry knows no bounds, he’s the ultimate professional. Napaka ganda ng work ethics, marunong sumabay sa bago without losing his identity. Mapa dance songs o ballads, alam mo ang tatak ni Gary V.
“Parang bawat stage ng buhay ko, andiyan si Tito Gary kaya sobrang saya ko na kasama ko siya to celebrate my 35th Anniversary in the business.
“Thank you for continuing to inspire me with you excellence, hard work, and generosity. Tito Gary. Can’t wait to do this concert with you.”
Ang gaganda rin ng kuwento ni Ice sa iba pang magiging guests na sina Princess Velasco na madaling nakagaanan ng loob dahil walang arte at very professional; si Juris na parang boses anghel na naging kaibigan dahil sa siomai at di maku-complete ang concert kung wala ito at si Sitti na masarap kasama dahil loka-loka at wala ring arte.
Ang Tres Marias na sina Cooky Chua (Color It Red) na hinangaan at kinaadikan niya nung 90s, Bayang Barrios (Bagong Lumad) at Lolita Carbon (Asin) na nagpa-realize kay Ice ng love niya pagkanta at nagdadala sa kanya sa ibang dimension.
Ang isa pang OPM icon na si Chito Miranda (Parokya Ni Edgar) na iniidolo ni Ice simula pa noong bata, na malaki rin ang impluwensiya sa kanya ng 90’s bank breakout.
Pasok din sa listahan ang queens ng Drag Race Philippines, na kung saan si Ice ang nagdi-direk ng ‘Drag Race PH Untucked’.
Post niya, “Sa lahat ng guests ko, sila siguro yung pinaka recent kong nakilala but these queens are just so endearing and the connection we have is inexplicable. Feisty and fierce in drag but softies in person. We’ve shared so many moments together, both happy and sad, in and out of work. These queens are my babies!!!
I’m so happy they said yes to be part of #BecomingIce coz my 35 years in this industry won’t be as colorful and fabulous if hindi ko sila nakasama.
“Love you, Queens! Shantay, you’re all staying in my heart for life!”
Ang naturang concert ay produced ng Fire and Ice Media Productions, Inc. at Nathan Studios. Sa mga wala pang ticket, call sa Ticketworld (02-8891-9999) or visit premier.ticketworld.com.ph.
(ROHN ROMULO)
-
Maging proud and responsible pet parents: ALDEN, nananawagan ng ‘fair treatment’ sa mga Aspin sa campaign ng PAWS
NANG lumabas ang campaign ng National Aspin Day, na ini-launch ng PAWS, kinatuwaan ang post ni Alden Richards, na “I Love (heart emoji) My Aspin” na kasama ang aso niyang si Chichi. He is the newest celebrity spokesperson who will join Heart Evangelista in promoting aspins, na ini-encourage nila ang mga owners ng asong Pinoy […]
-
Ilang mga players ng Raptors na-exposed sa may COVID-19
Patuloy ang ginagawang paghihigpit ng NBA sa ipinapatupad nilang health and safety protocols para hindi na kumalat pa ang virus. Pinakahuli ay ang pagkansela ng laro sa pagitan ng Toronto Raptors at Chicago Bulls. Ito ay matapos na ang mismong coach ng Raptors na si Nick Nurse at forward Pascal Siakam […]
-
Marcial ingat na magkasakit
DESIDIDONG makasungkit ni Eumir Felix Marcial ng unang ng gold medal ng Pilipinas sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa parating na Hulyo 23-Agosto 8 sanhi ng pandemya. Kaya triple ang pag-iingat niyang ginagawa upang mapanatiling mabuti ang kalusugan at hindi maudlot ang paghahanda sa nasabing pinakamalaking paligsahan […]