Marcial ingat na magkasakit
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
DESIDIDONG makasungkit ni Eumir Felix Marcial ng unang ng gold medal ng Pilipinas sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa parating na Hulyo 23-Agosto 8 sanhi ng pandemya.
Kaya triple ang pag-iingat niyang ginagawa upang mapanatiling mabuti ang kalusugan at hindi maudlot ang paghahanda sa nasabing pinakamalaking paligsahan sa mundo na isang beses lang ginaganap tuwing apat na taon.
Ayon Huwebes sa 25 taong-gulang, may taas na 5-8 at isinilang sa Zamboanga City na boksingero, sobrang ingat siya sa kanyang mga kilos upang hindi magka-Covid-19) na naging sanhi sa pagkaudlot ng Tokyo Olympics.
Kakagaling ni Marcial sa demolisyon kay American Andrew Whitfield noong Disyembre 16 sa Los Angeles, California para sa unang panalo bilang professional boxer na rin. (REC)
-
Rafael Nadal nahirapan kontra kay Jack Draper
Tatlo’t kalahating oras ang kinailangan ni Rafael Nadal bago nakumpleto ang 7-5, 2-6, 6-4, 6-1 win kay 21-year-old Jack Draper sa round 1 ng Australian Open nitong Lunes. Mukhang may kalawang pa ang Spaniard sa mga unang yugto ng paluan sa Rod Laver Arena pero nang makuha ang ritmo sa fourth set ay […]
-
Mag-asawang Dela Cruz papalaso sa SEA Games
BUO na pala ang national men’s and women’s archery team na mga tutudla sa 31st Southeast Asian Games 2022 sa Hanoi, Vietnam na nakatakda saa parating na Mayo 12-23. Gigiyahan ng mag-asawang Paul Marton at Rachelle Anne Dela Cruz ang koponang puntiryang mahigitan ang nag-iisang gold medal na nakamit ng bansa nang huling […]
-
Militanteng grupo humiling kay PBBM na suspendihin ang LRT 1 fare hike
ANG mga pinagsamang grupo ng militante ay hinamon ang Department of Transportation (DOTr) dahil sa pagpayag ng magkaron ng pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Line 1 (LRT1). Dahil dito ang grupo ay naghain ng isang petisyon kay President Ferdinand Marcos, Jr. upang huwag ng ituloy ang nasabing taas pasahe noong nakaraang Lunes. Noong nakaraang […]