• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NORWEGIAN, CHINESE NATIONAL, INARESTO NG BI

DINAKMA ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang pedopilyang Norwegian na inakusahan sa pang-aabuso sa mga menor de edad sa kanilang bansa at isang Chinese national na wanted sa pagpapatakbo sa isang pyramid investment scam.

 

 

Ayon kay   BI Commissioner Norman Tansingco  na Karstein Kvernvik,  a.k.a. Krokaa Karstein Gunnar, 50, ay naaresto noong September 24  sa kanyang tinitirhan sa Sameerah Subd., Angeles City, Pampanga ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) habang September 23 naman naaresto ang puganteng Chinese na si Fu Qihao, 44 sa Malate Manila.

 

 

Isang warrant of arrest ang inisyu sa kanyang public security bureau sa Shanghai, China dahil sa pagpapatakbo ng investment pyramid scam kung saan mismong kababayan nito ang kanyang mga niloko.

 

 

Sinabi ni Tansingco na ang dalawa ay ipapa-deport dahil sa pagiging undesirable at undocumented aliens matapos bawiin ang kanilang pasaporte .

 

 

Inilarawan ng BI Chief si Kvenvik na isang high profile na pugante na kinasuhan ng multiple sex-related crimes sa  Norway.

 

 

Base sa nakalap na impormasyon mula sa Interpol national central bureau (NCB) sa  Manila na si Kvenvik ay may outstanding warrants of arrest na inisyu ng Salten and Lofoten District Court sa Norway noong 20 June 2022 kung saan nahatulan ng aggravated sexual assault at engaging sexual activity sa isang menor de edad na isang paglabag ng Norwegian laws.

 

 

Ang dalawa ay kapwa nakakulong sa BI warden facility sa  Camp Bagong Diwa, sa Taguig City. (Gene Adsuara)

Other News
  • Perez mas maaga ng 1 linggo sa mga kasama

    MAYROONG dalawang tsansa na makapag-32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021 si Christian Jaymar ‘CJ’ Perez sa pagiging myembro ng national 3×3 at 5-on-5 national men’s basketball teams.   Kaya naman todo ang 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft na si Perez na magpakondisyon para sa natatanging posibilidad […]

  • Kapuso pa rin sa muling pagpirma ng kontrata: CARLA, ‘di alam na nakabalik na si TOM at ready na muling makaharap

    TINULDUKAN na ni Carla Abellana ang isyu na diumano ay lilipat sa ibang network dahil sa pagpirma niya ng bagong kontrata sa GMA.     Ginanap ang renewal ng kontrata ni Carla nito lamang January 29 kung saan present ang mga bosses ng GMA Network na sina GMA Network’s Chairman Atty. Felipe L. Gozon, President […]

  • Roque, nagbigay-pugay sa mga guro ngayong World Teacher’s Day

    NAGBIGAY-pugay si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga guro ngayong World Teacher’s Day.   Sa katunayan, nag-tweet si Sec. Roque ng isang espesyal na mensahe ng pasasalamat para sa mga guro.   “Happy World Teacher’s Day sa lahat ng ating mga guro,” ani Sec. Roque sa kanyang official Twitter account.   Pinuri nito ang mga guro […]