• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang pagsasama ng kasaysayan ng WWII sa higher education curriculum, aprubado

INAPRUBAHAN  ng House Committee on Higher and Technical Education na pinamumunuan ni Rep. Mark Go (Baguio City) ang pinagsama-samang panukalang batas para sa pagsasama ng history subject sa higher education institutions (HEIs) ang kasaysayan ng ikalawang Pandaigdigang Digmaan.

 

 

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Pasig City Rep. Roman Romulo, awtor ng House Bill 933 na magkakaroon na rin ng istorya ukol sa naging kagitingan ng mga sundalo at mamamayang Pilipino sa nagdaang WWII.

 

 

Ayon sa mambabatas, kakaunti pa lamang ang nilalaman ng history curriculum sa ngayon sa mga naging kaganapan at kagitingan ng mga Pinoy noong panahon ng giyera.

 

 

“But when we talk or sit down with our Veterans Affairs Committee, there are many stories there being told by Philippine Veterans Affairs Office Administrator Ernesto Carolina, maraming events during World War II na kung saan ang bida ay Filipino. Karamihan po diyan kahit nangyari dito sa Pilipinas, ang main characters ay mga dayuhan,” ani Romulo.

 

 

Inaprubahan din ng komite ang committee report na kinabibilangan ng isa pang panukalang batas na HB 4157 na inihain naman ni Rep. Harris Christopher Ongchuan (Northern Samar).

 

 

Samantala, ipinagpaliban muna ng komite ang pagdinig sa HB 1724 para sa mandatoryo o compulsory teaching ng ethics subjects sa Philippine tertiary education.

 

 

Ito ay habang hinihintay pa ang pagsusumite ng final evaluation/assessment ng Commission on Higher Education (CHED) ukol sa implementation ng ethics subjects sa higher education.

 

 

Sinabi naman ni CHED Chairman Prospero de Vega na mayroong ng 3 unit course sa ethics subject sa general education program.

 

 

Gayundin, ipinagpaliban din muna ang deliberasyon ng komite sa HB 4350 na inihain ni Rep. Jonathan Clement Abalos II (Party-list, 4PS) na nagsusulong sa pagsama ng foreign language maliban sa English, bilang elective course sa higher education curriculum. (Ara Romero)

Other News
  • Anim na aktor din ang maglalaban-laban: MARICEL, MARIAN, KATHRYN, JULIA, CHARLIE at VILMA, bakbakan sa ‘7th EDDYS’

    MATINDI ang labanan sa ikapitong edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).       Maglalaban-laban ang limang de-kalibreng pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at online platform nitong nagdaang taon na gumawa ng ingay at nagmarka sa mga manonood.       Ang mga nominado sa […]

  • 2,000 na laptop ipinamahagi ng QC LGU sa mga public school teachers

    IPINAMAHAGI ng QC Local Government Unit ang nasa 2 libong piraso ng brand new laptop sa mga guro sa mga pampublikong paaralan, Day Care Centers at Community Learning Centers sa lungsod.     Layon ng hakbang na ito ay upang matulungan sa kanilang pagtuturo ang mga QC public school teachers.     Ayon sa QC […]

  • RIDER TODAS SA DUMP TRUCK

    ISANG rider ang namatay matapos magulungan ng isang dump truck nang tumilapon sa kanyang minamanehong motorsiklo sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.   Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga tinamong pinsala sa katawan ang biktimang si Isagani Sorio, 36, company employee at residente ng Lot-6 Block 9 Pascual Subd., Brgy. Baesa, […]