• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Metro Manila Subway nag-groundbreaking sa Pasig

PINANGUNAHAN ni President Ferdinand R. Marcos ang groundbreaking ng pagtatayo ng istasyon para sa Metro Manila Subway Project sa Pasig City na isa sa pinakamalaking imprastruktura sa ilalim ng Marcos administration.

 

 

 

“Let the breaking ground of this subway system signal our intention to the world to pursue even grander dreams and more ambitious endeavors that will bring comfort and progress to our people all over the country,” wika ni Marcos.

 

 

 

Kapag nakumpleto at natapos na ang nasabing proyekto sa 2028 na nagkakahalaga ng P17.7 billion para Metro Manila Subway Contract Package 104, ito ay magbibigay ng relief at comfort sa libo-libong pasahero na sa araw-araw ay nakakaranas ng mahirap na pagsakay.

 

 

 

Ang nasabing proyekto ay kasama sa 33-kilometer Metro Manila Subway Project (MMSP) Phase 1.

 

 

 

“The new transport infrastructure is also expected to spawn more business opportunities and enhance economic activity. Be assured that this administration will take the lead in identifying, pursuing and implementing projects as part of the Build Better More Infrastructure Agenda that we have laid out,” dagdag ni Marcos.

 

 

 

Mabibigyan ng magandang serbisyo ang may mahigit na 150,000 pasahero kada araw. Mababawasan din ang travel time sa pagitan ng Quezon City at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na mula isang oras at 10 minuto kung saan ito ay magiging 35 minuto na lamang.

 

 

 

Ang nasabing 33.1-kilometer na railway ay dadaan sa 17 istasyon na babagtas sa pitong (7) lungsod mula Valenzuela hanggang Paranaque na magkakaroon ng spur line papuntang NAIA sa lungsod ng Pasay.

 

 

 

Ang travel time ng dalawang end-to-end points ay 45 minuto lamang na may passenger waiting periods sa mga istasyon na tatagal  nang hindi hahaba ng limang  minuto.

 

 

 

Binigyan ng pondo ang MMSP mula sa Japan International Cooperation Agency sailalim ng Official Development Assistance (ODA). Ang kabuuang pondo para sa MMSP ay nagkakahalaga ng P488.48 billion.

 

 

 

Sinabi naman ni Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawana ang groundbreaking ay isang magandang palatandaan na ang kooperasyon ng Philippines at Japan ay lumalakas sa ilalim ng administrasyong Marcos kung saan sinusulong ang “Build Better More” policy.

 

 

 

Ang Department of Transportation (DOTr) at Tokyu-Tobishima Megawide Joint Venture ay lumagda sa Contract Package 104 ng MMSP noong nakaraang May 5. Sa nasabing package, dalawang (2) underground na istasyon ang itatayo at gagawin sa Ortigas at Shaw Boulevard kasama ang paggawa ng tunnels.

 

 

 

“The subway will not only provide comfort and convenience, but it will also generate jobs. It will also be safe, affordable at accessible to the commuters,” saad naman niDOTr Secretary Jaime Bautista.

 

 

 

Sinabi pa rin ni Marcos na ang mga nasabing kumpanya ay may malawak ng kaalaman sa paggawa ng railroad, tunnel at terminal construction at gumawa na ng madaming proyekto sa buong mundo.

 

 

 

Ang target date para sa partial opening ng MMSP ay tinatayang sa 2025. Simula noong Oct. 3 ay ang Meralco Avenue malapit sa Estancia Mall ay sarado habang ginagawa ng nasabing istasyon.

 

 

 

Dumalo kasama sa groundbreaking ceremony ni President Marcos ay sila Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa; Senators Grace Poe, JV Ejercito at Mark Villar; JICA chief representative Takema Sakamoto, DOTr Secretary Jaime Bautista at Pasig City Mayor Vico Sotto.  LASACMAR

Other News
  • Margot Robbie, Teases Multiple Harley Quinn Costume Changes In ‘The Suicide Squad’

    MARGOT Robbie teased multiple costume changes for Harley Quinn in The Suicide Squad.     Robbie is one of the only returning members from David Ayer‘s 2016 film and that’s thanks to the immense popularity of her take on Harley Quinn.     Robbie was the standout member of what was a stellar cast and her demented take […]

  • 1 PATAY, 6 SUGATAN INARARO NG KOTSE

    ISA ang patay habang anim ang sugatan nang araruhin ng isang kotse sa Binondo, Manila.   Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa namatay habang kinilala ang mga nasugatan na sina Jerry del Rosario, 41, ng Montalban Rizal; Adriano Limse, 38 pedicab driver ng Kagitingan Tondo, Manila; Ryan Caranzo , 39 ng Dagupan, Tondo; Jonathan Ratin, 40 […]

  • SHARON, sinagot ang tanong ng netizen: ‘wedding ring’ nila ni GABBY matagal nang binigay kay KC

    ILANG araw after na makapag-vaccinate si Megastar Sharon Cuneta, masaya naman niyang pinost ang pagmo-mall nila na aminadong na-miss niya.     Say ni Sharon, “I missed and still miss this mall near my former home here. Happy to be here again though! First time at a mall since March 2020!!!”     Kasunod nito […]