• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 PATAY, 6 SUGATAN INARARO NG KOTSE

ISA ang patay habang anim ang sugatan nang araruhin ng isang kotse sa Binondo, Manila.

 

Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa namatay habang kinilala ang mga nasugatan na sina Jerry del Rosario, 41, ng Montalban Rizal; Adriano Limse, 38 pedicab driver ng Kagitingan Tondo, Manila; Ryan Caranzo , 39 ng Dagupan, Tondo; Jonathan Ratin, 40 ng san Jose Del Monte Bulacanat dalawang iba pa.

 

Sa ulat ni PSMSgt Michael Anthony Ramitrez, Traffic Investigator ng MDTEU, dakong alas- 7:30 kahapon ng umaga nang naganap ang insidente sa kahabaan ng CM Recto , sa St Crsito hanggang Ylaya Sts, Binondo, Manila  habang ang suspek ay si Armando Pitas, 55 ng Western Bicuatn, Taguig City at driver ng isang kulay pulang Hyundai Accent na may plakang NDL 9295.

 

Nabatid na minamaneho ng suspek ang kanyang kotse habang binabagtas ang nasabing lugar nang nawalan umano ito ng kontrol sa kanyang manibela na nagresulta sa pagkakaaksidente sa mga biktima. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Ads June 26, 2024

  • Fajardo inakay ang Gilas sa panalo

    NAITAKAS ng Gilas Pilipinas ang dikit na 76-73 panalo kontra sa karibal na Thailand sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games 5-on-5 basketball kagabi sa Thanh Tri Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.     Maagang naiwan sa 10-point deficit ang Nationals bago sumandal kay June Mar Fajardo upang agawin ang manibela at diskarilin ang muntikang comeback […]

  • IATF, suportado ang face-to-face classes para sa public at private schools

    SUPORTADO ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsasagawa ng face-to-face classes para sa lahat ng public at private public institutions para sa pangunahing edukasyon.     Gayunman, sinabi ng IATF na hindi dapat gamitin bilang requirement ang COVID-19 vaccination para sa pagsasagawa ng full face-to-face classes para sa basic education.     Sa halip ayon […]