• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena mas lalong ginanahan

INAASAHANG  mas lalo pang magsisikap si World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena para magtagumpay sa mga lalahukang international tournaments.

 

 

Ito ay matapos siyang tumanggap ng P300,000 mula kay Manila City Ma­yor Honey Lacuna-Pangan kahapon para sa gastusin sa mga sasalihan niyang mga torneo.

 

 

Nakatakdang bumalik ang Southeast Asian Games at Asian record-holder sa training camp sa Formia, Italy matapos ang three-week vacation sa Pinas.

 

 

Sa 17 podium finishes ay 12 gold medals ang nilundag ni Obiena tampok ang panalo kay World No. 1 at Olympics champion Armand Duplantis ng Sweden sa Brussels Leg ng Diamond Series noong Setyembre 3.

 

 

Si Obiena ang kauna-unahang Pinoy athlete na nanalo ng medalya sa World Athletics Cham­pionships nang kunin ang bronze medal mula sa bagong Philippine at Asian record na 5.94 meters sa Eugene, Oregon noong Hulyo.

 

 

Sasalang ang 26-anyos na Pinoy pole vaulter sa apat na torneo para sa kanyang European indoor season sa susunod na taon.

 

 

Lalahok din si Obiena sa 2023 SEA Games sa Cambodia sa Mayo, Asian Championships sa Thailand sa Hulyo, World Outdoor Championships sa Hungary sa Agosto at sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Set­yembre.

 

 

Ang pagkuha sa 6.0 meters ang pinupuntiryang magawa ni Obiena sa mga lalahukan niyang torneo.

Other News
  • Libreng sakay posibleng maibalik ngayong 2023

    INAASAHANG maibabalik ngayong taong 2023 ang libreng sakay, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).     Ayon kay LTFRB technical division head Joel Bolano na sa kasalukuyan ay inihahanda ng Department of Transporation ang guidelines para sa libreng sakay.     “May nakalaan namang budget para rito kaya lang sa ngayon pina-finalize […]

  • After na dalhin ng Globe sa ‘Pinas si Kim Seon Ho… ‘Tomorrow’ star na si RO WOON, magkakaroon ng exclusive KmmunityPh Fan Meet

    LAST month we’ve celebrated all things hallyu at the Kamsahamnida Festival, and got thrilled by Kim Seon Ho at his debut as KmmunityPH ambassador       Ngayon, humanda na for more excitement as Globe’s ultimate K-culture community continues para sa third anniversary celebration with another special surprise, ang actor na si RO WOON na […]

  • FROM TRAILER TO MOVIE: DIRECTOR ELI ROTH TALKS ABOUT MAKING HIS SLASHER-HORROR MOVIE “THANKSGIVING”

    FOR director Eli Roth, his journey for the Thanksgiving movie started in 2006, when his friends Quentin Tarantino and Robert Rodriguez were working on their double feature Grindhouse.       To add to the double-feature experience, Tarantino asked his friends – including Roth – to create fake trailers that would appeal to the Grindhouse […]