• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang SIM registration at poll postponement, nilagdaan ng kongreso; ipinadala sa Palasyo para sa lagda ng Pangulo

NILAGDAAN  na nina Speaker Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri ngayong Martes sa isang simpleng seremonya sa Manila Golf Club, Makati, ang panukalang batas para sa SIM Registration Act at Barangay and SK (Sangguniang Kabataan) Elections Postponement Act.

 

 

“Today (Tuesday), I am honored to join Senate President Migz Zubiri in signing the enrolled bills that will be officially transmitted to Malacanang for the President’s signature,” ani Romualdez.

 

 

Si Romualdez ang pangunahing awtor ng House version ng SIM Registration Act (HB No. 14) na inaprubahan sa pinal na pagbasa noong September 19.

 

 

Dumalo rin sa kaganapan sina House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose Dalipe, Reps. Toby Tiangco, Marjorie Ann Teodoro, at Juliet Marie Ferrer, Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito, Senadora Imee Marcos at Grace Poe.

 

 

The twin measures were the first enrolled bills accomplished under the First Regular Session of the 19th Congress.

 

 

Matapos lagdaan ang naturang panukala ay ibinigay nila ito kay Presidential Legislative Liaison Office Secretary Mark Llandro Mendoza na siya namang magsusumite ng dokumento kay Presidente Bongbong Marcos para sa kanyang lagda upang ganap na itong maging batas.

 

 

Ipinasa ng senado ang kanilang bersyon ng panukala (SB 1310) nitong September 27 habang niratipikahan naman ng dalawang kapulungan ang bicameral report nitong September 28.

 

 

“This (SIM Registration Act) may be the first legislative measure to be signed into law by President Bongbong Marcos. Once enacted into law, this will be our first line of defense against scammers, con artists, and criminal elements who use cellphone and other electronic communication gadgets for nefarious activities,” paliwanag ni Romualdez.

 

 

Binalaan naman nito ang mga text scammers na itigil na ang kanilang illegal activities, dahil mahuhuli sila at makakasuhan sa ilalim ng batas.

 

 

Sa ilalim ng panukala, ang mga end-users ay kailangang iparehistro ang kanilang SIM bilang pre-requisite sa activation nito. Ang mga existing SIM ay kailangan ding iparehitro sa loob ng 180 araw mula sa effectivity ng batas.

 

 

Ang kabiguan na maparehitro ang SIM sa itinakdang panahon ay magreresulta sa automatic deactivation at maaari lamang magamit matapos iparehistro. (Ara Romero)

Other News
  • AFP handa nang ilikas mga Pinoy sa Gaza

    NAKAHANDA na ang mga aircraft ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sakaling iutos ng pamahalaan ang paglikas o repatriation ng mga Pinoy na naiipit sa gulo ng Israel at Hamas.     Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, gagamitin ang dalawang C130 at isang C295 transport planes para sa mabilis na pagpapauwi sa […]

  • Marcos, Xi pinag-usapan ang relasyon, regional dev’t

    PINAG-USAPAN nina Chinese President Xi Jinping at presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., “over the phone” ang relasyon ng dalawang bansa at developments at progreso sa rehiyon.     Sa nasabing telephone conversation, sinabi ni Xi na ang dalawang bansa ay dapat na “grasp the general trend, write a grand story on the China-Philippines friendship […]

  • 2 bebot arestado sa shabu sa Caloocan at Navotas

    Bagsak sa kulungan ang dalawang babae, kabilang ang katulong ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) matapos makuhanan ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Navotas cities.   Kinilala ni DDEU chief P/Major Ramon Aquiatan Jr. ang suspek na si Jeremiah Dimia, 33 ng 122 Guido 2 St. Maypajo Brgy. 33, Caloocan city.   […]