• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Super nag-enjoy sa bakasyon nila sa Singapore: Relasyon nina JULIA at GERALD, ipinapakita na mas lalong tumatag

IPINAPAKITA lang talaga ng mag-dyowa na sina Julia Barretto at Gerald Anderson na habang tumatagal, mas lalong tumatatag ang relasyon nila.

 

 

Kahit ilang beses na naiintriga na kesyo nagkakalabuan o break na, dedma lang ang dalawa at manggugulat na masaya silang magkasama.

 

 

Tulad na lang sa pag-attend nila sa F1 race sa Singapore. Sa post ni Julia, walang-duda na super nag-enjoy ito sa bakasyon nila ni Gerald na nasolo nila ang mga araw na silang dalawa lang.

 

 

Sey ni Julia, “Hello! Sorry no update the past few days, been on vacation mode and it’s been so nice to spend some quality time with RJ. Excited to share memories collected this weekend.”

 

***

 

NAINIS daw ang Kapuso actor na si Paul Salas sa naging unang reaksiyon niya nang malaman niyang sasali ang mommy niya na si Michelle Solinap sa Mrs. Universe Philippines.

 

 

Nainis na bakit ngayon pa ito sasali sa beauty pageant, pero at the same time, napangiti raw siya dahil na-realize niya na sinusunod nito ang pangarap.

 

 

At very proud na anak naman si Paul dahil isa sa six winners ang mommy niya at nakuha nito ang title na Mrs. Philippines Universe FDN-Continental Asia.

 

 

Kaya isa ang mommy ni Paul sa lalaban sa Korea with other title holders. So proud nga raw siya sa mommy niya lalo na at alam niya na wala raw ibang tumulong dito.

 

 

Aniya, “Proud po akong talaga. Walang tumulong kay Mom, halos kung hindi ako, mga friends niya lang ang nag-sponsor sa kanya. So sobrang nakaka-proud dahil deserve niyang talaga na makuha ‘yung title na ‘yon sa pagod pa lang.”

 

 

Nalungkot nga lang daw siya dahil wala siya sa mismong coronation night dahil nasa taping daw siya ng Mano Po.

 

 

***

 

 

NA kay Barbie Forteza ang lahat ng dahilan para magsaya siya ng bongga.

 

 

Aba, sobrang taas ng pilot ratings ng kanyang bagong GMA Telebabad, ang “Maria Clara at Ibarra.” Nakahamig agad ito ng 15.1% sa ratings base sa NUTAM People Ratings.

 

 

Siyempre, nandiyan din sina Julie Anne San Jose at Dennis Trillo. Pero, hindi talaga maikakaila na si Barbie ay “rater.”

 

 

Though, ‘yung role niya bilang si Klay/ Maria Clara Infantes ay talaga namang parang tailored-made for her.

 

 

Nag-trending din si Barbie sa Twitter at halos puro positibo at magagandang reviews mula sa mga nakapanood ng pilot episode ng Maria Clara at Ibarra ang mababasa.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Drilon, Pia Cayetano nagsabong sa CREATE bill

    IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hatiin sa dalawa ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill upang maiwasan ang paghina ng Kongreso.   “When you classify this measure as a revenue measure, then the President would have the power to exercise the line item veto over a matter, which is […]

  • POLO, magiging daddy na rin dahil buntis ang kanyang fiancee na si PAULYN

    IDAGDAG pa si Polo Ravales sa magiging daddy sa taong ito dahil buntis na ang fiancee nitong si Paulyn Quiza.     Sa kanyang Facebook account, pinost ng former teen star ang ultrasound ng kanilang baby. Masayang-masaya si Polo dahil natupad na ang matagal na nilang hinihiling ni Paulyn.     “Thank You Lord for […]

  • Bigo ulit ang Pilipinas sa 95th Academy Awards: ‘On The Job: The Missing 8’ nina JOHN, ‘di nakasama sa shortlist ng Foreign Language Film

    SA pagsalang ni Elijah Alejo sa fast money round ng Family Feud Philippines, kabilang sa mga tanong ay magkano ang ibibigay niya sa inaanak ngayong Pasko. Ang naging sagot ng aktres ay “P20” na kinaaliwan ng maraming netizens. Nakalaban ng bida sa upcoming GMA teleserye na Underage at ng kanyang pamilya sa naturang episode ay […]