• December 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Drilon, Pia Cayetano nagsabong sa CREATE bill

IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hatiin sa dalawa ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill upang maiwasan ang paghina ng Kongreso.

 

“When you classify this measure as a revenue measure, then the President would have the power to exercise the line item veto over a matter, which is not strictly a revenue measure—and that is the other provisions in the rationalization of fiscal incentives which involves policies,” ani Drilon.

 

“I think it can be forcefully argued that the rationalization of the fiscal incentive should not be a revenue measure and therefore the authority of the President on the line-item veto should not be existing,” dagdag nito.

 

Lahad pa ni Drilon na pahihinain nito ang kapangyarihan ng Kongreso.

 

Ang CREATE bill ay naglalayong bawasan ang income tax rate na 25 porsyento mula sa 30 porsyento at upang hatiin ang mga incentive na nakukuha ng isang kompanya.

 

Tinutulan naman ito ni Interpellating Senate Ways and Means Committee Chairperson Pia Cayetano na siyang sponsor ng naturang panukala.

 

“The rationalization of incentives is actually not alien to the subject matter of the corporate income tax. Because this addresses tax leakages and it is the reverse of increasing the tax, decreasing the tax,” saad ni Cayetano.

 

“In the early part of our interpellation, we emphasized the fact that this is foregone revenues. Thus, we need to rationalize because otherwise, these are tax revenues that are being exempted, not being collected, being given on a silver platter,” aniya.

 

Ngunit aniya bukas pa rin naman ito sa posibleng diskusyon patungkol dito.

 

Nakatakdang magsagawa muli ng debate sa Senado patungkol sa CREATE bill ngayong araw. (Ara Romero)

Other News
  • P28 bilyon gagastusin sa national election, plebisito sa Cha-cha

    AABOT sa P28 bilyon ang gagastahin ng pamahalaan kung isasagawa ng magkahiwalay ang pambansang halalan at plebisito sa Charter change (Cha-cha).     Sinabi ni NEDA Undersecretary for Legislative Affairs Krystal Lyn Tan Uy sa pagharap nito  sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments and Revision of Laws kaugnay sa panukalang amyendahan ang 1987 […]

  • P3.5M, kotse taya sa Pearl Cup finals

    PAGKALIPAS ng mga eliminasyon sa probinsiya, lalargahan na ang LDI Pearl Cup 5-Cock Derby grand finals sa Pebrero 19 sa malamig na San Juan Coliseum.   Humila ng entries ang pasabong na ito ng Lakpue Drug Inc. (LD1) sanhi nang mababang entry fee na P3,300, pero garantisado ang P1.35M cash prizes hiwalay pa ang at […]

  • Robert Pattinson Teases a Brand New Version of the Caped Crusader in Matt Reeves’ ‘The Batman’

    WARNER Bros. is set to introduce a brand new version of the iconic DC hero in the upcoming film The Batman directed by Matt Reeves.     So, the DC fans shouldn’t expect Robert Pattinson’s version of the Caped Crusader to be a straight-up hero.     Pattinson’s Bruce Wayne/Batman will be joined by Zoë Kravitz‘s Selina Kyle/Catwoman, […]