LTFRB: walang matrix, walang fare hike
- Published on October 7, 2022
- by @peoplesbalita
KAILANGAN ng mga public utility vehicles (PUVs) ang kumuha muna ng fare matrix mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang sila ay makasingil ng mataas na pamasahe.
Mula sa datos ng LTFRB noong Huwebes, may 30,183 na PUVs ang naghain ng kanilang applications para sa bagong fare matrix na kailangan ng mga drivers upang sila ay makasingil ng mataas na pamasahe.
Ang mga nasabing aplikante ay 11 percent lamang mula sa kabuuang 256,621 na PUVs na pumapasada sa buong bansa sa ilalim ng ginagawang fare increase.
Sa pinakabagong datos ng LTFRB, lumalabas na may 17,496 mula sa kabuuang 182,615 na mga public utility jeepneys (PUJs) sa buong bansa ang kumuha ng fare matrix. Habang may 1,263 na city buses at 5,344 na provincial buses ang naghain ng kanilang aplikasyon. Samantalang, ang mga taxis at airport taxis ay may 6,053 at 27 na aplikasyon, ayon sa pagkasunud-sunod.
Pinaliwanag naman ng LTFRB na hindi na kailangan ng mga transport network vehicle service (TNVS) units ang maghain ng aplikasyondahil ang fare matrix ay nakalagaynasa app nila.
“Commuters may file complaints against PUV operators and drivers who demand higher fares as it is for their safety that the guides are being required,” wika ng LTFRB.
Ang base fare para sa mga traditional na jeepney ay provisionally tinaas ng P12 mula sa dating P11 habang ang modern jeepneys ay nagtaas ng base fare na P14 mula sa dating P13. Magkakaroon din ng per kilometer rate increase na P1.80 mula sa dating P1.50 para sa traditional jeepneys at P2.20 naman mula sa dating P1.80 para sa modern jeepneys.
Magkakaroon naman ng P2 uniform base fare ang city at provincial buses kung saan ito ay magiging P13 at P15, ayon sa pagkasunud-sunod. Binigyan din ng board ang approval para tumaas ang per kilometer ng ordinary city buses ng P2.25, P2.65 para sa air-conditioned buses, P2.65 para sa air-conditioned city buses, P2.10 sa provincial deluxe, P2.35 para sa special deluxe at P2.90 sa luxury buses.
Binigyan din fare hike ang taxis at TNVS kung saan ito ay naging P5 ang flagdown rate.
Pinaalalahanan naman ni LTFRB chairman Cheloy Garafil ang mga PUV drivers at operators na kumuha ng fare matrix bago sila mangolekta ng mataas na pamasahe. Ayon sa kanya, ang isang pasahero ay puwedeng magbayad ng kusa kahit na walang fare matrix subalit ang isang pasahero ay maaari ring maghain ng reklamo laban sa mga drivers na hindi sumusunod.
“It it’s a donation, there’s nothing wrong with that, but some passengers may have a problem with that because it is for their safety that fare guides are required to stamp out colorum vehicles, or those plying the roads without a franchise. A fare matrix is required as a protection for our passengers. We want to make sure all vehicles operating on the road are not colorum,” wikaniGarafil.
Sinabi naman ni Garafil na wala pang desisyon ang LTFRB tungkol sa inihain na petisyon ng UV Express para sa pagtataas ng pamasahe. Ang mga taxis naman hindi na kailangang sumailalim sa calibration ng kanilang meters kung sila ay mayroong fare matrix. LASACMAR
-
PBBM, inirekomenda si Cheloy Garafil bilang MECO board chairman
INIREKOMENDA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Presidential Communications Office (PCO) secretary Cheloy Garafil bilang miyembro at chairman ng board of directors ng Manila Economic and Cultural Office (MECO). Ang anunsyo ng Pangulo ay ibinahagi ng PCO sa Facebook Page nito. Nauna rito, kinumpirma ni PCO Secretary Cesar Chavez na itinalaga ni […]
-
WANTED SA MAYNILA INARESTO SA LEYTE
LUMUWAS pa sa Southern Leyte ang Manila Police Distric (MPD) upang isilbi ang isang warrant of arrest sa isang lalaki na wanted sa pananaksak sa Tondo. Kinilala ang suspek na si Benjie Caballegan, nasa hustong gulang, sa San Juan Southern Leyte noong Nob.25 . Taong 2021 nang mangyari ang insidente sa […]
-
FEU Manila A tumapos sa Magic 10 ng online chess
TUMAPOS sa top 10 ang Far Eastern University-Manila A sa kasusulong lang at sinalihan ng 125 teams na Kasparov Chess Foundation University Cup via online. Pinangunahan Morayta-based woodpushers si Darry Bernardo, kasapi ng national para chess team, na umiskor ng eighth sa posibleng nine points sa Board 4, at sa sinilat niya si […]