• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 drug suspects kalaboso sa P312K shabu sa Caloocan, Navotas

NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit P.3 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa limang drug suspects matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan at Navotas Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-5:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Medium House Rising 4, Brgy. 188, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Dariel Nave, 41 ng Brixtonville Subdivision, Brgy. 175.

 

 

Nakumpiska sa kanya ang humigi’t kumulang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price Php 170,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Ani Lacuesta, ang pagkakaaresto sa suspek ay resulta ng isang linggong validation ng mga operatiba ng SDEU makaraan ang natanggap na impormasyon mula sa isang confidential informant hinggil sa pagbebenta umano niya ng ilegal na droga.

 

 

Sa Navotas, alas-9:30 ng gabi nang mabitag naman ng mga operatiba ng SDEU ng Navotas police sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Dexter Ollaging sa buy bust operation sa A. Santiago St., Brgy. Sipac Almacen si Napoleon Naval alyas “Napo”, 43, at Ronaldo Cruz alyas “Jojo Mata”, 60, kapwa (pusher/listed).

 

 

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 11 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P74,800 at P500 marked money.

 

 

Nauna rito, nalambat din ng kabilang team ng Navotas police SDEU sa buy bust operation sa Dalagang Bukid St., Brgy, NBBS Dagatdagatan si Darwin Apas alyas “Buboy”, 40, (Pusher/listed) at Lawrence Rodica, 28, ala-1:05 ng madaling araw. Nakuha sa kanila ang humigi’t kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000 at P500 buy bust money.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones ang Caloocan police at Navotas police dahil sa mahusay nilang trabaho kontra illegal drugs. (Richard Mesa)

Other News
  • Mahigit 1 million katao inilikas mula Ukraine patungong

    MAHIGIT sa 1 milyong tao na ang inilikas mula sa Ukraine patungo sa Russia mula noong Pebrero 24.     Sinabi ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov, kabilang sa 1.02 million individuals ang 120,000 foreigners at ang mga taong inilikas mula sa Russian-backed breakaway regions ng Ukraine na tinatawag na Donetsk at Luhansk People’s republics. […]

  • Tuluyang ipinag-bawal na ang videoke sa Navotas hanggang Hulyo 2021

    ITO ang sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco kasabay ng kanyang kahilingan sa City Council sa pamumuno ni Vice Mayor Clint Geronimo na gawing “urgent for consideration” ang ordinansang magbabawal sa videoke at malakas na pagpapatugtog hanggang sa kalagitnaan ng 2021 o habang may online classes.   Nakasaad sa liham ni Tiangco sa Konseho […]

  • Kahit nagluluksa pa ang kanilang pamilya: Anak ni CHERIE na si BIANCA, ‘di nagpatinag sa mga kumwestiyon sa pag-attend sa party

    HINDI nagpatinag ang anak ni Cherie Gil na si Bianca Rogoff sa mga bashers na kumwestiyon sa pag-attend sa isang party kahit kamamatay lang ng kanyang mommy.     Binatikos ang anak ng yumaong aktres sa dating asawang na si Rony Rogoff na kilalang Israeli violinist. Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang pag-attend niya ng […]