Tuluyang ipinag-bawal na ang videoke sa Navotas hanggang Hulyo 2021
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
ITO ang sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco kasabay ng kanyang kahilingan sa City Council sa pamumuno ni Vice Mayor Clint Geronimo na gawing “urgent for consideration” ang ordinansang magbabawal sa videoke at malakas na pagpapatugtog hanggang sa kalagitnaan ng 2021 o habang may online classes.
Nakasaad sa liham ni Tiangco sa Konseho na may petsang Oktubre 5 na ipagbawal ang videoke o pag-iingay maliban kung araw ng Linggo dahil nabubulahaw umano ang mga mag-aaral.
Gayunman, maaari namang mag-videoke o magkasayahan kung araw ng Linggo subalit limitado pa rin ito mula lamang ala-1 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.
Dagdag pa ni Tiangco, kailangan na magkaroon ng malasakit at pang-unawa sa lahat partikular sa mga estud-yante at guro dahil sa pagbabago ng sistema ng pagtuturo.
Aniya malaking hamon ang adjustment sa learning at teaching system kaya kailangan ang suporta ng barangay at local government unit.
Samantala, tumalima na rin ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa panawagan ng Philippine National Police (PNP) nang magpasa ng ordinansa na nagbabawal sa pagbi-videoke tuwing araw upang hindi makaistorbo ang ingay sa mga batang nasa ‘online class’ at mga nagwo-work-from-home na empleyado.
Nilagdaan ni Mayor Isko Moreno ang Ordinance No. 8688 na nagbabawal sa paggamit ng karaoke at videoke machines mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado.
Sinabi ng alkalde na minabuti niyang agad na umaksyon makaraan na makatanggap na ng reklamo mula sa mga magulang ng mga batang naiistorbo ng ingay ng mga kapitbahay nang mag-umpisa na ang pasukan sa mga pampublikong paaralan nitong Lunes.
Ang mga lalabag dito ay papatawan ng multang P1,000 sa unang pag-labag, P2,000 sa ikalawa at P3,000 sa ikatlo at higit pang pagkakataon ng pagsalu-ngat sa ordinansa. (Richard Mesa)
-
Pia, nakausap na si Sarah at nagka-ayos na sila
KAYA pala panay na ang post ni Sarah Wurtzbach – Manze na ‘stop hating Pia’ dahil nagka-usap at nagka-ayos na sila ng kapatid na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Ang pinagkaka-diskitahan naman ngayon ng batang Wurtzbach ay ang nanay nilang si Gng. Chery Alonzo – Tyndall sa pamamagitan ng Question and Answer mula […]
-
PBBM sa kanyang political allies : Teamwork key to a prosperous PH
BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagitan ng mga political leaders para makamit ang mas masagana at progresibong Pilipinas. “Hindi pangkaraniwan ang pagtitipon ngayon dahil ito ay pagkakataon para ipakita natin ang kahalagahan ng pagsasama-sama at ng pagkakaisa. Para sa kaunlaran… Para sa pagbabago… Para […]
-
Bulacan, higit na pinaigting ang contact tracing kasabay ng pagpasok ng Delta variant sa lalawigan
LUNGSOD NG MALOLOS– Higit na pinaigting ng Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 ang contact tracing at pinahigpit ang pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy upang maiwasan ang lalong pagkalat ng mga kaso ng COVID lalo na ngayon na pumasok na sa lalawigan ang mas nakakahawang variant ng virus. Kinumpirma ni Gobernador Daniel R. Fernando na dalawang kaso ng […]